Chapter 30

526 30 10
                                    

ELHL30 || Esteen Samantha Vinzon

Pare-parehas kaming aligaga sa pagaayos dahil araw na ng kasal ni Blanche at Juyeon. Abay kaming tatlo ni Rene at Arya habang si Bethyl ang bride's maid dahil sa pamimilit namin. Inaayusan na si Blanche sa kabilang kwarto habang kaming apat ay sari-sariling ayos dahil kaya naman na namin.

"Pati ako nininerbiyos, hindi naman ako ang ikakasal." Ani Bethyl.

Ngumisi ako. "Yayain mo si Pedro magpakasal para nerbiyusin ka na dahil ikaw ang ikakasal."

"Ikaw nga hindi niyayaya," aniya sa nangaasar na tono. Natahimik ako. Ilang buwan ko ng inaantay na tanungin niya sa akin iyon. Iniisip niya parin ba na hindi ako papayag? Na ayoko parin sa kasal?

"Harsh mo naman Beth," natatawang sabi ni Rene. Umikot ang mata ko at pinagdekwatro ang binti.

"Atleast may boyfriend, e, kayo?"

"Hoy! Bata pa ako! Pwede pang magkaboyfriend 'no!" singhal ni Rene.

"Go back to your ex-fiancee girl."

"No fucking way," singhal niya.

Nilabas ko ang dila para mas lalo siyang maasar. Umikot ang mata niya at pinagpatuloy ang pagaayos sa sarili. Tahimik si Arya at seryoso sa ginagawa niya. Hindi na rin ako nagsalita at nagayos na.

After hours of preparing lumabas na kami at pinuntahan si Blanche sa kabilang kwarto.

I gasped in awe in the sight of Blanche wearing his wedding gown. Pakiramdam ko naiiyak ako. I'm so happy for her. I'm glad she aready found the love that she deserve.

"Omg! You look so gorgeous Blanche!" tili ni Bethyl na nakawhite long gown din pero may blue ribbon belt sa bewang. Siya ang naiiba sa aming apat dahil siya ang brides maid.

I look at Blanche's long puff gown. Mahaba ang dulo noon at makinang ang itaas na bahagi. It's an off-shouder wedding gown. Her face is already covered with veil.

I smiled at her when her eyes met mine. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Our mother is now getting married." bulong ko sa kanya. "Kahit ayoko sa tatay ay masaya ako para sayo Blanche. You deserve all of this," naiiyak kong sabi.

"Oh my gosh. Don't make me cry. Masisira ang makeup ko."

I chuckled at look at her face. "My friend will have her family now."

"You two are my family. Madadagdagan na nga lang ngayon." Naiiyak na sabi niya. Bethyl in our side is on the verge of crying too.

"Make up niyo!" natatawang sabi ni Arya. Natawa kami at pilit na pinigil ang mga luha.

"Group hug!" sigaw ni Rene bago lumapit sa amin at yumakap. Natatawa kaming niyakap ang isa't-isa.

We may have problems with our family. We may feel alone sometimes but still the fact that we are here, that we have each other, that our friendship stays, we have our family.

"Mga bakla kayo! Bawal nga umiyak!" sigaw ng baklang nagayos kay Blanche. Humalakhak kami at humiwalay na sa isa't-isa.

Tawanan at kwentuhan ang ginawa namin sa loob ng sasakyan. Nakahiwalay si Blanche dahil kailangan ay mahuli siya ng kaunti para makapagprepare pa kami.

I smile at the thought of marriage. I can imagine myself marrying the man that I love, marrying Argon. I can imagine myself building a family with him. Growing old with him. I may not think of that noon pero ngayon palagi na iyon nasa utak ko. A future with him. Future with the two of us.

Kinuha ko ang cellphone sa pouch na dala at chineck kong may text siya. I smile as I saw his name in my phone.

Argon:
Love, are you on your way now?

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now