Chapter 6

418 45 21
                                    

#ELHL06 || Esteen Samantha Vinzon

I stared blankly at my rooms ceiling while lying on my bed. Hindi ako pumasok sa trabaho at kahit sa pang-hapong klase ay hindi rin ako nakadalo.

I am thinking of that dream, the voices, the scenes. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng matinding takot samantalang purong gawa lang naman iyon ng mapaglarong utak.

Instead of ovethinking, I stand from my bed and decided to just roam around our small house. Una kong pinuntahan ang kusina dahil may naamoy akong mabangong lutuin ni Nanay.

"Nay, mukhang masarap iyan ah!" I enthusiastically uttered.

"Bakit bumangon ka? Magpahinga ka lang doon."

"Wala naman akong sakit, Nay. Hindi ako paralisado." I chuckled.

Isa pa, ayokong mahiga lang sa kama buong maghapon, mas lalo lang gugulo ang magulo ko nang isip.

"Nay..." I called. I was about to ask her about my childhood but I pursed my lips at the last seconds.

She cocked her head towards me and raise both of her brows. I averted my eyes from her and slowly shook my head.

Maybe that was just really made by my creative and playful mind. Baka mamaya ay pinaglalaruan lang ako ng sariling utak dahil sa pagod sa tuwing matutulog kinagabihan.

Just like what my favorite past time is, pinili kong sa bakuran na lang magpalipas ng oras at diligan ang iilang halaman ni Nanay. Nakakabagot ang paghilata lang sa kama, wala naman akong ibang mapagkakaabalahan kung hindi ito.

"Maganda pa kayo sa hapon." I greeted Nanay's plants. "Busog na naman kayo sa tubig ngayong araw."

Tahimik kong ibinalik ang baldeng wala ng tubig bago muling bumalik sa harap ng halamang itinuturing ko na ring kaibigan.

"Bakit kayo, nagiging maayos na kapag nadiligan? Nabubuhay muli kapag nakainom ng tubig? Hindi ba pwedeng ganoon din sa tao?"

Sabagay, kung ganoon lang ang ginagawa ng tao ay parang wala lang ring mangyayari sa mundo. Wala ng hirap at tiyaga sa lahat ng bagay. Walang pagsisi at walang matuto.

At saka, imposible namang namomroblema ka sa pera at kaunting dilig mo lang sa sarili ay may pera ka na. Nawalan ka na ng buhay at didiligan ka lang ay buhay ka na.

"Nandito ka na naman."

Hindi na ako nagulat sa biglaang pagsulpot ng presensiya ni Argon sa tabi ko. There're no days that he'll not visit here. Minsan nga ay pakiramdam ko dito na rin siya nakatira sa sobrang dalas niyang mamalagi rito.

"Nandito ka rin." I sarcastically remarked.

"Kausap mo lagi 'yang mga bulaklak, wala ka bang ibang makausap?"

"Mas okay silang kausap. Hindi nasagot."

That's the advantages of talking to plants. Kahit anong sabihin ko ay walang susubok na humusga sa akin.

"Pwede naman akong kausap. Hindi ko magsasalita." He uttered while acting like he's zipping his mouth.

"Baliw." I laughed.

"Ayos ka na ba?"

"Ayos naman ako," I stand on my seat and cleaned the back of my shorts before facing him. "Sabi ko ay h'wag kang uupo diyan, marumi."

"Nakaupo ka rin naman."

"Sanay naman ako." I defended that made him rolled his eyes.

"E'di sanayin mo rin ako."

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now