Chapter 22

354 30 8
                                    

ELHL20 || Esteen Samantha Vinzon

I harshly perched my back at my bed and sighed. That company is so fucking stressful! Bakit ba kasi nasa akin na? Hindi ko naman hinihingi.

I took my phone out and dialed Bethyl's number.

"Hello, Pedro." I immediately uttered after she answered the call.

"Fuck you."

Nailayo ko sa tainga ang teleponong hawak at piniling i-loud speaker nalang bago nilapag sa kama.

"Good evening too, Bethyl." I chuckled.

"Panira ka ng gabi. Walang hiya ka."

"Baka gusto mo akong bisitahin dito," tumatawa kong sabi.

"Ayoko, lalasingin mo na naman ako. Masisira na ang atay ko." Singhal niya na ikinatawa ko.

"Arte ah? Parang di in-enjoy bawat lagok?"

"Ano na namang drama mo? Miss mo na si Argon mo?"

"Oo. Miss ko na. Just like how you missed your Pedro."

Narinig ko ang tunog ng kalansing ng susi niya na ikinangiti ko.

"At least may karamay ka," nakangising sabi ko. I can imagine her rolling her eyes in annoyance right now.

"Tawagan mo si Blanche. Hindi pwedeng ako lang ang mananakit ang ulo bukas. Sabihin mo, piprituhin ko ang Koreanong hilaw niya kapag hindi siya pumunta ay hindi baka sakaling matauhan siya at gumawa ng desisyong tama."

I nodded while laughing. "Noted," I said before ending the call.

Mabuti nalang at mayroon akong kaibigang palagi kong nakakaramay.

Halos tatlong taong ring nanatili si Bethyl sa Camp Alaya bago nagpasyang dito na magtrabaho sa Manila. Maayos na rin naman si Janpzy kaya naiwan niya na. Though, lagi namin siyang tinatawagan para kamustahin. Napapangiti nalang ako kapag naririnig na maayos na siya at mas nagiging maayos pa.

Matapos tawagan si Blanche ay naligo muna ako at nagpalit ng pambahay. I have my own house and car now. Iniwan ni Emmanuel ang kompanya niya sa akin at lahat ng ari-arian matapos makulong ng panghabam-buhay. Wala akong pakialam sa mga ari-arian niya pero wala na akong magagawa. Naisip ko rin na kasama naman si Mommy na naghirap doon kaya tinanggap ko na.

Napaginhawa rin naman ang buhay ko.

Si Nanay at Tatay ay nanatili sa Camp Alaya. Noong niyaya ko silang tumira kasama ko ay agad silang tumanggi. Mas gusto daw nila doon dahil tahimik. Naipaliwanag na rin nila kung bakit sa kanila ako napunta nang mawalan ng ala-ala.

Matagal na pala akong naibilin ni Mommy sa kanila. May plano pala siyang ilayo ako sa demonyong Emmanuel na iyon kaso dinemonyo na kami bago pa mangyari iyon.

Kaya para makabawi ay pinaayos ko ang bahay namin doon. Pinagawan ko rin ng sari-sari store si Nanay para hindi na maglako at mahirapan na kakalakad sa hapon. Si Tatay ay naging abala na sa mga alagang baboy at manok at pinatigil ko na sa pagtatrabaho.

They're happy for me. Masaya din naman ako.

Ang bahay namin dati nila Mommy ay hindi ko kinuha. Maraming masasamang memoryang naiwan doon at ayokong palaging maalala. Mapupuno lang ng galit ang puso ko. Ayoko noon, nakakabaliw.

"Maganda pa ako sa gabi," sigaw ni Bethyl habang papasok sa bahay ko. Nalukot ang mukha ko.

"Oo, madilim kasi mukha mo."

Umikot lang ang mata niya at pabagsak na umupo sa sofa.

"Nasaan na ang babaeng feeling Koreana?" Tanong niya habang tinatanggal ang suot na sandals bagi ipinatong ang mga paa sa maliit na lamesa sa harap niya.

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now