Chapter 29

442 30 8
                                    

ELHL29 || Esteen Samantha Vinzon

We just visited his parents now. Kasama ko sa kusina si Tita Sun at tinutulungan siya sa paghahanda ng pagkain.

"I'm glad you found your way back to each other," nakangiting sabi ni Tita.

"He found his way back to me Tita, kahit ako naman dapat ang gumawa noon."

Humalakhak si Tita at umiling. "I know he'd do that. He loves you, so much."

"I feel the same," nakangiti kong sabi.

Maraming kwento si Tita tungkol kay Argon kaya madalas ang tawa at ngiti ko. Sobrang attentive ko rin dahil ang dami kong nalalaman tungkol sa kabataan ni Argon.

"Hindi talaga siya palakaibigan. Kahit mga pinsan ay bihira kausapin. Hindi ko nga alam kung bakit ganon siya. Kaya nagulat ako na nagkanobya."

"Pansin ko nga po. Kahit sa probinsiya ay walang naging kaibigan kundi kami. Ngayon po si Juyeon naging kaibigan niya. I guess that's a good start. Also my friends are his friends too."

"Natutuwa nga ako na nakikihalubilo na siya sa ibang tao ngayon. Noon ay bahay at school lang iyan palagi. Nung nakatapos ay bahay at kompanya naman. Madalas nga siyang magkwento tungkol sa inyo kapag nagkakasama kami. Nakakatuwa dahil mukhang tuwang-tuwa siya sa inyo."

My heart fluttered at that. Masaya pala siya kapag kasama namin. Akala ko kasi ay napipilitan lang siyang makisama dahil kasama ako. I smile widely at myself.

Kasama niya si Tito sa garden nila dahil doon kami maghahapunan ngayon. Tingin ko ay nagiinuman habang nagaantay sa aming matapos.

Panay ang tawa ko sa kwento ni Tita. Madaldal siya at palangiti kaya hindi ako nahirapan makisama. Also, I feel like she's my mother. Nakakamiss kasi na may inang kasama. Nararamdaman ko iyon sa kanya. Siguro kung buhay pa si Mommy ay madalas din kaming magluto. Hilig niya kasing gawin iyon at madalas niya akong turuan dati. Kaya hindi rin ako ignorante sa mga gawaing bahay dahil tinuruan niya ako sa mga ganon.

"He's always working overtime since the day that you broke up. Natatakot nga ako dahil baka magkasakit na sa kakatrabaho. Kapag ganoon pa naman siya at hindi na nakakakain. Bihira na rin naman siya umuwi dito kaya hindi ko maasikaso."

My heart hurt. Nasaktan ko siya ng sobra. Kasal lang naman ang hinihingi niya pero hindi ko pa naibigay. Mahirap rin naman kasi iyon. Isang taon palang kaming magkarelasyon. Masyadong mabilis. Wala pang kasiguraduhan na mananatili kami sa isa't-isa sa mga lilipas na taon. Tho, dapat hindi ko iniisip ang mga mangyayari sa hinaharap in a negative way. Takot rin ako at may masamang karanasan doon.

"Alam mo Samm... ganyan din ako dati. Takot sa commitment, lahat pinagdududahan, at puro negatibo ang naiisip sa lahat ng bagay. My parents separated when I was six. Naiwan ako sa Lola ko dahil walang may gustong kumuha sa akin sa kanila. I was hurt. Sobra. Biruin mo magulang mo pinamigay ka? Sinong hindi masasaktan doon?" aniya at ngumiti ng mapait.

"Lahat ng lalapit sa akin iniiwasan ko kaagad. Takot akong maattach. Sa isip ko kasi noon, lahat naman sila aalis at iiwan ako, kaya bakit hahayaan ko pang mapalapit sa akin? But as time goes by, narealize ko, mas nakakalungkot palang mag-isa. Kahit hindi sila permanente sa buhay ko why not enjoy their company nalang? And look, someon stay. Rogue is with me until now. Ilang beses ko siyang tinanggihan ng kasal, hindi kasi ako naniniwala doon. Pero binago niya ang paniniwala ko. Binago ng pagmamahal niya."

I smiled at her story. Akala ko, ako lang ang ayaw s kasal noon, meron rin palang mga katulad ko.

Ngayon namang nabago na ang paniniwala ko, tsaka naman hindi nagtatanong si Argon. I was waiting for that since Day 1 that we got back. Hanggang ngayon ay wala pa rin. Tingin ko ay ayaw niya na rin. Ilang buwan na ba kami? Matagal na rin. Hindi naman na bago ang magyaya ng kasal hindi ba? Naiintindihan ko naman. Kasalanan ko kung bakit hindi niya na ulit inopen. Ayoko noon diba?

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now