Chapter 23

340 32 6
                                    

ELHL23 || Esteen Samantha Vinzon

Wearing a tweed jacket and skirt, I walk confidently in my company's hallway. Employees greeted me enthusiastically and I gave them a smile before going to my office.

"Good morning Ms. Legaspi." My secretary greeted. Mahina kong binangga ang braso niya at ngumisi.

Tumango ako at kaagad na pumasok sa sariling opisina. Hindi ko na pinalitan ang apelyido ko kahit na pinakiusapan ako ni Emmanuel na apelyido niya ang gamitin. No. Why would I do that? Ayokong maging kaapelyido niya. Nakakahiya, ikinakahiya ko ang apelyidong 'yon. Harsh? He deserve that.

Nakapikit kong isinandal ang ulo sa swivel chair ko at huminga ng malalim. Ang dami namang kailangang basahin!

Lunch came, dinalhan ako ng secretary ko ng pagkain na hindi ko rin naman nagalaw dahil mas inabala ko ang sarili sa mga papel na nasa harap. May hungover pa ako kaya medyo masakit pa ang ulo ko. Also, I don't want to think of that voice now. Nalasing ako masyado at kung ano-ano ang naririnig. Siguradong tutuksuhin na naman ako ng Koreanong hilaw na 'yon.

"Hoy babae," napaayos ako ng upo at sinulyapan si Bethyl na hindi ko manlang namalayang pumasok sa opisina ko.

"Wow, the nerves." Singhal ko ng pabagsak siyang umupo sa swivel chair ko matapos akong sapilitang patayuin.

"Ang raming pera ng kompanya mo, baka gusto mo kaming paulanan ng pera." Nakangising sabi niya.

Isinandal ko ang sarili sa lamesa at nakangising binalingan siya ng tingin.

"Dagdagan mo ang sahod ko. Masakit mata ko."

"Hingi ka kay Pedro." I chuckled. "Anong ginagawa mo dito? Oras ng trabaho ah?"

"Labas tayo," aniya. Itinaas ang paa sa lamesa at ipinikit ang mata.

"'Di tayo talo."

"As if naman type kita." She grimaced. Ngumuso ako at umirap.

"Dali, libre mo ako. Wala akong pera."

Ngumiwi ako. "Says who."

"Wow ah. Mas mayaman ka pa nga kay Pedro."

"Hindi pa ako mayaman." Her eyes landed on the food on my table. "Hindi mo na naman kinain ang lunch mo? Diet ka?"

Ngumiwi ako. "Nakalimutan ko."

"Tara, gutom ako."

Lumakad na siya paalis kaya kinuha ko ang pouch ko at sumunod sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. Natigil sa pagsasalita si Bethyl nang makitang may tumatawag sa akin.

Nagtataka kong sinagot ag tawag ni Arya.

"Samm!" Sigaw niya sa kabilang linya na dahilan para mapangiwi ako. "Nasan ka? Sa kompanya mo?"

"Bakit? Pupunta ka ba dito?"

Napasinghap siya at huminga ng malalim. "Hindi ako..."

Bago niya pa matuloy ang sasabihin ay naramdaman ko na ang mahinang pagsiko sa akin ni Bethyl. Kunot ang noong nilingon ko siya.

"Bakit?" I confusely asked.

Nakahinto kami dahil huminto siya. Mas lalo akong nagtaka ng makita ang laglag niyang panga at nanlalaking mga mata.

I was about to ask her again when I saw someone coming towards our way. My mouth hunged opened as I saw who's walking on my own company.

What is he doing here?

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin