Chapter 18

315 32 12
                                    

#ELHL18 || Esteen Samantha Vinzon

Matapos ipasa ang financial report na kinakailangan ibigay ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag.

Nagpasya akong silipin si Blanche na seryosong seryoso sa ginagawa kaya hindi ako masyadong pinansin. I saw Juyeon too who just smiled at me and wave cutely.

I yawned and stretch my arm upwards while walking towards the coffee machine near our office. Pakiramdam ko ay babagsak na ang talukap ko sa antok at pagod. Argon just won't let me sleep last night. Sobrang daldal niya at naikwento na ata ang buong buhay niya sa akin kagabi kahit na ilang beses ko na rin naman iyong narinig mula sa kanya. Hindi na umalis sa kwarto ko at nakatulugan na ang pagkukwento.

Akala ko noong una ay tahimik siyang tao, ngayon halos hindi na ako makatulog sa sobrang daldal niya.

My drowsy eyes are almost close while getting my cup of coffee on the machine. I lean on the wall beside it and peacefully drank my coffee there. I watch how busy the employees are, katulad ko kanina na halos hindi na magkanda-ugaga sa pagtapos ng mga kailangang tapusin.

"Sleepy head," a voice suddenly uttered beside me.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga emoleyado rito sa kompanya ang relasyon namin ni Argon. So far, I am not hearing somethinf negative but I sometimes see some glares from girls here.

"Hi Sir," I teased while slightly nudging his arm.

He groaned and scratched his nape-slightly embarassed.

"Sir, your face."

I straightened my back and turned to face him. His eyes beamed in glee as his lips formed a smile. He slightly messed hair made me adore him more. I just love it like that. Walang kahit anong nakalagay katulad sa ibang lalaki na parang nakatusok na ang buhok dahil nakatayo. Ang kay Argon ay nakabagsak sa noo at natural na malambot at makintab.

"Bakit lumabas ka sa opisina mo? Hindi ka ba abala?"

Tumango siya at ngumuso. Narinig ko ang ilang hagikhikan ng babae malapit sa amin na marahil ay nakita ang pag-nguso ni Argon. I just shrugged that off.

Umikot ang mata ko at kinurot ang labi niya. He groan in pain and pouted his lips more. I loured.

"H'wag ka ngang ngumuso."

"Bakit? Hindi ba cute? I thought you love it when I do that," his lips is now in a grim line but his eyes is still full of amusement.

"Not here. Madaming tao." I hissed.

"Selos ka lang, e."

"Saan? Bakit? Kailan? Paano?"

"Ewan ko sa'yo," inis niyang sabi na ikinatawa ko. "Kain tayo."

"Ng ano?"

"Ikaw?"

Kumunot ang noo ko sa narinig. "Hindi ako pagkain Argon."

My eyes widened after realizing what I have said. Heat crawled on my cheeks as I tried avoiding his playful eyes.

"Damn baby, I was asking you."

I bit the inside of my cheeks and walk away from him.

Narinig ko pa ang halakhak niya habang sumusunod sa akin. Ngumuso ako lalo sa pagkapahiya.

Malay ko bang tanong pala 'yon. Akala ko ay nilalandi niya ako kaya kaagad kong binara. Nagmukha tuloy akong hayok at assuming. Gusto ko tuloy batukan ang sarili sa katangahan.

Ang ilang empleyadong nadadaanan namin ay napapahinto at nagtatangkang bumati kay Argon ngunit hindi niya napapansin dahil aliw na aliw siya sa paghagikhik sa katangahang nagawa ko.

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now