Chapter 21

352 32 10
                                    

ELHL21 || Esteen Samantha Vinzon

After eating quietly, hindi ako kasali dahil kinakausap ako ng mga mata ni Blanche, ay nanatili kami sa sala para manood ng movie. Nahiya pa kami ni Blanche nang marealize kung gaano kakalat ang condo dahil sa harutan namin kanina.

Nasa tabi ako ng armrest ng sofa sa kaliwa habang si Blanche ay sa kabila. Nasa gitna namin ang dalawang lalaki na kanina pa nananahimik. Tahimik kaming nagtitinginan ni Blanche dahil hindi sanay na nakatikom lang ang bibig.

Argon's hand is around my waist while his head is resting on mine. Rinig ko ang bawat paghinga niya at halos makiliti ang mukha dahil sa init noon. Hawak ko ang isang kamay niya at pinaglalaruan habang sinusulyapan si Blanche na nakasimangot na dahil gustong mag-ingay.

Mahina akong natawa. Parehas lang kami! Nangangati na ang lalamunan ko at gustong gusto ng magdaldal kaso nakakahiya. Mukha kasing seryoso ang dalawa sa pinapanood habang kaming dalawa ni Blanche ay walang naintindihan maski isa.

"Iinom lang ako Argon," paalam ko at bahagyang lumayo sa kanya. Humigpit ang kapit niya sa baywang ko na tila ayaw akong pakawalan pero kalaunan ay nagbuntong hininga at binitawan rin. Ngumiti ako ng matamis at nagpunta ng kusina.

Mabagal kong nilagyan ang tubig ang baso at mahina pang kumakanta. Sinandal ko ang likod sa counter at pinag-krus ang mga braso sa dibdib. Inilagay ang kaliwang paa sa unahan at sumipol ng mahina.

"Umiinom ka na niyan?" Nilingon ko si Blanche na bigla nalang sumulpot sa likod ko.

"Ang baho, amoy panis na laway."

"Ang kapal mo, ikaw rin kaya." Singhal niya at ininom ang tubig sa baso ko. Hindi nalang kumuha ng kanya.

"Ang tahimik nila. Mas masaya noong tayo lang. Panis na laway ko."

Ngumiwi ako. "Ganoon ata talaga kapag lalaki."

"Ang daldal kaya ni Juyeon. Ngayon lang 'yan natahimik ng ganyan."

"Eh si Chikinini, madaldal rin ba?"

Umiling siya at ngumiwi. "Tigilan mo ako, Samm."

Nalukot ang mukha ko. "Cheveney for the win pa rin."

"I have Juyeon yet you keep pushing me to Cheveney."

Suminghap ako at inirapan siya. "Gusto mo rin naman."

Nanatili kami ng ilang minuto doon bago bumalik. Nag-uusap ang dalawang lalaki ng seryoso.

Umupo ako ulit sa tabi ni Argon at agad niyang inilapit ang katawan sa akin. Ngumiti ako at isinandal ang katawan sa kanya.

"Ang tahimik mo, bakit kapag si Juyeon kinakausap mo?"

He chuckled and planted a kiss on my temple. "Mahal kita."

Napasinghap ako at itinago ang mukha sa dibdib niya dahil sa pamumula.

Natulog kami ng magkatabi nang gabing iyon at kinabukasan ay nagyaya siyang gumala.

Agad naman akong pumayag para makabawi sa kasalanan ko sa kanya. He looks uneasy at hindi makatingin sa akin. Pinagkibit balikat ko lang iyon.

"Saan tayo?"

"Lakad lang," aniya.

Hindi ko alam kung nasaan kami. Mahaba ang daanang iyon na nilalakaran ng tao hanggang dulo. Sa unahan ay may mga bilihan ng pagkain at ang munisipyo.

Magkahawak-kamay kaming naglalakad. Nilalanghap ang hangin na tumatama sa balat.

"Happy birthday," aniya na ikinangiti ko.

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now