BAM MEETS BAM 05

237 13 1
                                    

Chapter 03

Bea's POV

Nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo ko . Ugh ! unti-unti kong minulat ang mata ko . Nakita ko ang sarili ko sa isang kwarto na  may oxygen tank , at nakaswero pa yung kamay ko, ah ! nasa ospital siguro ako  .. nilibot ko ang mga mata ko sa paligid.. ano bang nangyari ? muling kumirot yung ulo ko .  " ugh ! " pabulong kong sabi sabay hawak sa ulo ko ..

" Bea .. gising kana anak ! ayos na ba ang pakiramdam mo?" - Mrs. Rodriguez

hindi ko sya sinagot . nakita ko namang pumasok  si Bell " Bell .. anong nangyari?" tanong ko sa kanya .

" Mikmik kasi nawalan ka ng malay earlier then .. you hit your head eh " sabi ni Bell at tumabi din sa akin . tumango na lang ako .

" uuwi na ko Bell .. ayokong magtagal dito sa ospital .. ayoko ng ambiance ng ospital .. ang creepy kaya dito .." seryosong sabi ko .. totoo naman eh . ayoko talaga sa mga ospital ..

" I know right !! " sigaw nya . " twins nga tayo Mikmik .. Pareho tayo na ayaw sa mga hospital eh " I flash a smile .. yung totoo . siguro nga magkambal kami ..

" anak .. please , pakinggan mo muna yung paliwanag namin ..  Bell , please inform your Daddy na gising na si Bea "

umalis naman  si Bell , bumalik din agad kasama na si Kuya Wil at si Mr. Rodriguez .

" mabuti at gising ka na .. I guess its the right time para malaman nyo ang totoo .. " huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita " your mom and I are not a simple couple before .. we are part of the Mafia .. "

" Mafia ??" sabay naming sigaw ni  Bell .. katabi ko na sya sa kama . loka-loka talaga to , sumiksik kasi sya sa akin  habang nagkukwento si Mr. Rodriguez.

" yes . Member din kami ng top rank Gang dito sa Bansa pero noong nagpakasal kami ng Mommy nyo , we decided to quit. "  tumabi sya kay Mrs. Rodriguez . gang ? so gangster sila ? parang yung sa mga nababasa ko lang sa wattpad? 

" then?" sabay ulit naming sabi ni Bell . si kuya Wil naman , tahimik lang na nakikinig .

" tahimik ang lahat, for  a couple of years , naging maayos ang buhay namin, natin. nang ipinanganak kayong magkambal , mas naging masaya kami .  pero kasabay noon ang pagkadiognose ng heart disease nang Mommy nyo .. we never thought na magkakasakit ang mommy nyo . she's even the best fighter  sa gang . " napatingin naman ako kay Mrs. Rodriguez , so thats why she looks so fragile .. may sakit pala sya . "  hindi namin alam kung bakit pero one night , our house was ambushed by someone na wala naman kaming idea kung sino . the next thing we know is sugatan ka Wil , you was shot there at your right

shoulder and near to your heart and our dear twins are both missing .. sa sobrang  pagkabigla ng mommy nyo  nag passed out sya , hindi ko malaman ang gagawin , sugatan ka Wil , ang mommy nyo naman walang malay , nawawala ang kambal .. the next thing I know was nabaril din ako . nagising na lang ako na nasa ospital na ako . dinala kami ng mga former gangmates namin  sa ospital .. anak , kayo agad magkambal ang hinanap ko . kaya lang si Bell lang ang nakita ko sa may park .. she is dying under the rain at damit mo na lang na puno ng dugo ang nakita ko doon .. sabi ng mga pulis , malabo daw na mabuhay ka pa sa dami ng dugo na nakita sa damit mo . nang malaman ng mommy nyo ang tungkol sa nangyari sa iyo ng magising sya , grabeng depression ang naranasan ng mommy nyo . nakarecover lang sya ng marevive ka Bell , akala talaga namin mawawala kayo pareho sa amin .. Hindi ko na din magawang kumain o asikasuhin ang sarili ko that time dahil, may sakit ang mommy nyo . Wil was still in comatose at nasa critical condition ka parin noon Bell . Bea believe me , I tried to find you pero nawalan ako ng pag asa  dahil na rin sa mga sinabi ng mga pulis at imbestigador na wala daw talagang signs na buhay pa ang isa pa naming anak , na kung si Bell na nakita agad ay hanggang sa mga panahong iyon ay hindi namin masabi kung mabubuhay, ikaw pa kayang walang nakakaalam kung nasaan at tsaka isang araw sa paghahanap ko sayo biglang nagkaroon ng komplikasyon sa kalagayan ng Kuya Wil nyo . wala ako sa tabi nya , wala din ang mommy mo , wala syang kasama sa panahong nag aagaw buhay ang kuya nyo  .. " nahinto sya sa pagkukwento dahil sa pagiyak . ramdam ko yung paghihirap nya. humigpit naman ang pagkakayakap sa akin ni Bell . si kuya naman halatang naiiyak na   " Bea , anak .. patawarin mo ang Daddy kung sumuko agad ako . naiisip ko kasi na paano kung mangyari ulit na malagay sa panganib ang buhay ng mga kapatid at mommy mo habang wala ako ? I cant afford to lose another piece of my life .." nagbreakdown na sya ng tuluyan ..

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now