BAM MEETS BAM 27

98 7 0
                                    

Chapter 24

Bea's POV

Pigil ko ang aking paghinga habang tinatanaw ang pababang helicopter mula sa itaas. Hindi ko alam kung anong mga nangyari sa itaas maliban na lamang sa mga pag-uusap na naganap sa pagitan nila Bessie at Philip. Hindi ko rin alam kung ano yung pinong kurot na nararamdaman ko sa aking dibdib habang nagsasalita si Philip.

Hindi kaya?

Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi tamang mag-isip ako ng walang kakwenta-kwentang bagay sa ganitong mga panahon.

"Sis? Are you okay?" Tanong sa akin ni Bell habang masusing sinusuri ang aking mukha. Tumango na lang ako sa kanya bago muling tumingala.

Sa kabila ng medyo malayo pang distansya, kitang-kita ko ang panginginig ni Bessie habang buhat siya ni Philip. Agad akong nag-iwas ng tingin nang biglang lumingon sa akin si Philip.

"BESSIE!!" Noon lang ako nagbalik ng tingin nang marinig kong tinawag ni Jenn ang pangalan ko. Bumaba siya sa pagkakabuhat ni Philip at agad na tumakbo papunta sa akin. Sinugod niya ako ng mahigpit na yakap. "Bessie..." Umiyak siya nang umiyak sa akin.

"Ssshh.. You're safe now." Bulong ko habang sinusuklay ang kanyang gulo-gulong buhok. "Tinakot mo ako."

"Mas natakot ako, noh!" Sagot pa niya. "Mabuti na lang dumating agad si Kuya Philip." Ngumiti pa siya sa akin bago tumingin kay Philip na sa akin naman nakatingin. Nag-iwas na lang ako ulit ng tingin dahil naiilang ako sa mga tingin niya.

"Tignan mo 'tong Amasona na 'to." Bulong ni Kuya na nasa gilid namin. "Hoy Amasona! Kasama kaya ako sa nagligtas sayo!"

"Bessie, may naririnig ka ba? Kasi ako parang wala." Nang-aasar namang sagot ni Bessie kaya napa-iling na lang ako.

"Waaah! Bessie, we're so as in super worried. Are you fine now?" Yumakap din sa amin si Bell. "We've tracked her records already. Naghihintay na rin sila Mommy sa control room, let's go?" Iginiya pa niya kami pabalik sa control room at iniwan na nga ang ilan naming mga tauhan sa area. Paparating na kasi ang mga investigators mula sa gobyerno. They will facilitate the area for the mean time.

Nang makabalik kami sa control room, naabutan namin doon sina Mommy at Daddy. Sa tabi nila ay may tatlo pang lalaki. Sa pagkakatanda ko, si Dr. Sonny MonteVerde ang isa pero hindi ko na kilala yung dalawa pa. Ang isa sa kanila ay may suot na army uniform, matikas ang kanyang pangangatawan, clean cut ang buhok at ramdam ang striktong aura sa kanya. Ang isa naman ay nakasuot ng white long sleeve, nakatupi ang mga manggas 'non hanggang sa kanyang siko. Hindi gaanong malaki ang kanyang pangangatawan pero intimidating din ang kanyang aura. Maputi siya at may mga singkit na mata na natatakapan ng isang reading glass.

"Ninong!" Tumakbo si Bell at agad na nagmano at humalik sa pisngi ng lalaki na naka-suot ng army uniform at tinawag niyang ninong.

"My beautiful inaanak!" Niyakap niya si Bell habang todo ang pagkakangiti. Pero bigla iyon nawala nang mapatingin siya sa akin
"Holy Saints! Bea, ikaw na nga ba yan?" Nakangiti pa akong tinanong ng lalaking pinuntahan ni Bell. Pinagsalit ko naman anv aking tingin sa kanilang lahat.

"Bea, siya si General Lucas Lorenzo. Ninong niyo ni Bell." Ngumiti pa sa akin si Mommy kaya dahan-dahan akong lumapit bago mag-mano din pero laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin. "And this is Akiro Hiroshigo. Isa siya sa pinakamalapit na tao sa amin ng Daddy niyo."

"Such a sweet introduction,  BE." Yumuko pa siya sa amin. Medyo lumuwag na ang pagkakayakap sa akin ni Ninong Lucas pero hindi pa rin niya ako pinakakawalan.

"Lucas, you're making my daughter uncomfortable." Lumingon ako kay Dad na naka-upo lang sa ibabaw ng lamesa. Sumenyas pa siya kay Ninong Lucas na pakawalan na ako at ganoon na nga ang ginawa nito.

BAM MEETS BAM (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara