BAM MEETS BAM 22

78 5 0
                                    

Chapter 20

Bell's POV

"Bell.." Tawag sa akin ni Bea nang makalabas na sila Mommy sa kwarto namin. "Alam kong may tinatago ka sa amin." Instead na sumagot, inabot ko ang bag ko na nasa side table ng kamang kinahihigaan ko. Inilabas ko doon ang isang maliit na papel na nakuha ko mula sa bulsa ng taong umatake sa akin. "Chained Roses.." Bulong niya matapos makita kung ano ang nakasulat sa papel na iyon.

"I think we need to know more about the Chained Roses."

"Pero, hindi ba't iyon ang pangalan ng gang nila Mommy?"

"No. We never confirmed that, remember?" Pagpapa-alala ko sa kanya. Yes, maraming mga bagay sa bahay na may Chained Roses pero hindi naman kami sigurado kung parte sila Mommy ng Chained Roses.

"Ibig mong sabihin, ang Chained Roses ang nasa likod ng lahat ng mga nangyari?"

"It can be a yes, it can be a no." Bulong ko. "Malala ba ang injuries mo?"

"Hindi masyado. Bakit?"

"Remember the twenty peso bill?" Tumango siya, "I think we will be needing that." I smiled at her.

"Hindi kaya trap na naman 'to?" She worriedly asked me. Well, hindi ko naman siya masisisi.

"Don't worry. I won't be risking anyone's life anymore. I will do it myself."

"Alam mo namang hindi ako papayag na umalis ka mag-isa, diba?" Ngumiti ako sa kanya.

"Then we'll go together. You got my back and got yours." Ngumiti din siya sa akin bago guluhin ang buhok ko.

"Sino yung nanakit sayo?" Matapang niyang tanong kaya inirapan ko siya.

"Eh yung sayo?" Ganti ko namang tanong sa kanya bago kami sabay na natawa. "He said that I'm a weakling.." Seryoso kong bulong. "I will prove to them na hindi ako mahina." I gave my twin a weak smile, "They just caught us off guard."

"Tama." Nakangiting bulong ni Bea.

--

"Bakit ba ang kukulit niyo?" Nakasimangot pa kaming pinameywangan ni Philip. "Stay here atleast tonight."

"No." Sabay naming sagot ni Bea. Gusto na kasi naming umuwi si Bea. But, pinipilit niya dito na kami sa ospital magpalipas ng gabi. Ewan ko ba dito. Masyadong mapilit. Samantalang sila Mommy at Daddy, pumayag na. Siya lang naman itong makulit.

"Ewan ko sa inyo." Tinalikuran na niya kami at si Jennica na ang binalingan. "Are you sure you're fine?"

"O-opo." Naiilang naman na sagot ni Jennica. Pansin ko, lately, nagiging malapit na si Philip kay Jennica. Which is, I don't know, ikinaiinis ko. Naiinis ako pero hindi dahil nagseselos ako. Wala naman akong gusto kay Philip. Nagseselos ako para sa kakambal ko. Alam ko namang gusto niya si Philip eh. And besides, iba ang gusto ko. Speaking of, nasaan nga ba 'yon?

"Where's Justin?" I asked them pero wala sa kanila ang sumagot. Nagkatinginan lang sila. "Come on, guys. Hindi naman siguro sasagot ang hangin sa tanong ko, diba? Where is he?"

"Buti pa si Justin, hinahanap mo." Nag-iinarteng bungad sa amin ni Kuya Wilson na kadarating lang. Tss, nagselos pa, hindi naman bagay sa kanya. Lumapit siya sa kama namin ni Bea at magkasunod kaming hinalikan sa noo. "Are you feeling better now?" Tumango ako at ganoon din naman si Bea. Pero teka, before ko pa man makalimutan.

"Where is Justin nga kasi? Bakit ba ayaw niyong sumagot?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Bell, relax ka lang." Ngumiti sa akin ni Bea, "He'll be fine."

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now