BAM MEETS BAM 23

91 5 0
                                    

Chapter 21

Bea's POV

Matapos ang madrama naming eksena kanina, pinilit kami ni Mommy na matulog muna. Well, hindi naman ako inaantok kaya nahiga na lang ako para mapagbigyan ang gusto niya pero hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Magkakatabi na kami nila Bessie at Bell, ako na ang nakagitna sa kanila. Kanina kasi, nasa sofa si Bessie habang kausap si Mommy. Ngayon, nakayakap pa sila pareho sa akin  kaya hindi ako makagalaw na mabuti.

I slowly moved myself out them nang mapansin kong wala si mommy. She's not inside the room and not in the cr either. Sinubukan ko siyang hanapin sa labas pero hinarang lang ako ng isang lalaking naka-suit and tie pa. Familiar siya sa akin, at kung hindi ako nagkakamali isa siya sa mga Butler nila Dad, siya si Rigor. First butler in command. Pansin ko lang, kahit maraminh butlers ang nandito, may kulang pa rin.

"Excuse po, si Mommy po?"

"Lady Bea, ibinilin ng mommy mo na hindi kayo pwedeng umalis. Bumalik na po kayo sa loob."

"Hindi naman po ako aalis, tinatanong ko lang if nasaan si Mommy." Ngumiti pa ako sa kanya pero hindi na siya nagsalita. Itinuro lang niya ang loob ng kwarto kaya bumalik na lang ako sa loob.

"Sis? What happened? Where's mom?" Nagkibit-balikat ako. "Ang daya! Iniwan tayo!" Nakapout pa niyang reklamo.

"Narinig ko siyang may kausap sa phone." Bulong ni Bessie.

"Kanina ka pa gising?" Tango naman ang isinagot niya. "Sinong kausap ni Mommy?"

"Ewan. Basta narinig ko na lang siya, sabi niya, papunta na daw siya tapos nagmamadali na siyang umalis."

"Saan naman kaya pupunta si Mommy?" Tanong sa akin ni Bell.

--

Ashley's POV

Maingat kong binagtas ang daan patungo sa dati naming bahay. Ipinarada ko sa di kalayuan ang kotse ko dahil mas makakakuha lang ako ng atensyon kung dadating ako doon na naka-sasakyan. Mas pinili kong dumaan sa kakahuyan. Kabisado ko ang pasikot-sikot sa dati naming bahay dahil kagaya ng bago naming bahay, ako mismo ang gumawa ng floorplan nito. Kabisado ko ang lahat ng mga secret passages sa loob at labas ng bahay.

[Hon.. ] Napahinto ako sa pagtakbo at iniayos ang suot kong earpiece. [Hon, Asan kana?]

"Almost there," sagot ko.

[Okay, take care. The house is surrounded by the enemies.]

"Yeah. I saw few of them. Make sure to secure both Wilson and Philip. Their safety is our top priority."

[Of course..] Bumalik na ako sa pagtakbo papalapit sa bahay namin.

"Who's there?!" Napahinto ako. Sht! Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagkabigla nang makilala ako. "B-BE?? A-anong ginagawa mo dito?"

"I should be the one asking that," ngumiti ako sa kanya.

"W-were securing this place.." Ibinaba niya ang hawak niyang baril at akmang lalapit sa akin. Pero bago pa man siya makalapit sa akin, agad kong ibinato sa direksyon niya ang hawak kong swift knife na tumama sa dibdib niya.

Lumapit ako sa kanya at hinugot ang kutsilyo sa kanyang dibdib bago ko siya bulungan.

"Don't lie to me, traitor." Bulong ko sa kanya bago siya saksakin sa leeg. Tss..

Kinuha ko mula kay Razzor ang baril niyang may silencer at itinutok iyon sa mga taong papalapit na rin sa direksyon ko. Sunod-sunod kong pinaputok iyon kasunod ay ang pagbagsak ng mga nasa sampung lalaki. "Gian.." Tawag ko sa asawa ko na alam ko namang nakikinig lang sa akin. "What is your current location?"

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now