BAM MEETS BAM 28

94 7 0
                                    

Chapter 25

Bea's POV

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na isa si Ma'am Lourdes sa mga gustong pumatay sa amin. Napakabuti niyang tao at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang masangkot sa lahat ng ito.

"Sis?" Kinalabit pa niya ako at doon ko lang naalala na nandito nga pala kami sa kalagitnaan ng meeting kasama ang mga magulang namin, pati narin sina Tito Akiro at Ninong Lucas. Ngumiti na lang ako kay Bell bago muling tignan ang projector.

"We have a list of possible persons behind this but we can't just assume na sila iyon. One mistake can make our situation worst." Ani Daddy na sobrang seryoso. Well, lahat naman ng tao dito seryosong-seryoso.

"We need more help and hindi na dapat pang madagdagan ang mga kalaban natin." Dagdag naman ni Tito Sony MonteVerde.

"Dad, I think we need to leave this airport . This is a public place maraming tao dito, we can't risk their safety." Singit ko sa kanilang pag-uusap. Kailangan na talaga naming umalis dahil hanggat nandito kami, hindi magiging ligtas para sa iba ang lugar na ito. Maraming tao ang nandito para pumasok at lumabas ng bansa ang maaaring madamay at masaktan kung mananatili pa kami dito.

"She's right." Tumayo na si Ninong Lucas bago humawak sa kanyang tainga. "Alpha team, secure our route."

"Is everything set?" Tanong ni Tito Akiro, tumango naman si Ninong kaya tumayo na kaming lahat at lumabas na ng control room. Pagkalabas namin, isang unipormadong lalaki. May hawak din siyang riffle, nagsalute siya kay Ninong bago mag-salita.

"This way, General." Tumango lang ulit si Ninong bago ulit naglakad. Sinundan lang namin ang lalaki na sinusundan ni Ninong hanggang sa makarating kami sa isang itim na van. Sa mga napapanuod kong pelikula, isa iyong bulletproof coaster. Naka-costumized ang loob ng coaster dahil ngayon lang ako nakakita ng sasakyan na instead na nakahilera ang upuan, ang mga upuan dito ay nakapaikot sa isang bilog na lamesa. Agad nadin kaming sumakay doon at nilisan ang airport. Si Raul na butler ni Kuya Wil ang siyang nagmamaneho habang lahat kami ay nasa lamesa.

Habang nasa biyahe kami, tuloy lamang ang naudlot na meeting kanina. Nag-uusap sila Mommy ng mga pwede naming gawin habang nakikinig lang kaming lahat.

"We can ask for the Tan's help." Tumingin ako kay Dad nang mabanggit niya ang apelyido ni Justin. "They promised to provide every weapons na kakailanganin natin."

"Wala tayong problema sa weapons R.E, sa tao tayo kukulangin." Sagot sa kanya ni Tito Sony. "Matagal na tayong hindi nasasangkot sa ganitong gulo at aminin man natin o hindi, limitado na lamang ang mga taong alam nating kakayanin ang giyerang kinahaharap natin."

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now