BAM MEETS BAM 31

87 5 0
                                    

Chapter 28

Third Person's POV

Saktong alas nueve ng gabi ding iyon nang matapos maghanda ang kambal sa mga kakailanganin nilang gamit. Isang address ng hotel ang pinadala sa kanila ng misteryosong caller. Doon nila ito katatagpuuin upang iligtas ang batang si Lenlen.

"Sis, paano tayo pupunta 'don?" Ngayon lamang naalala ni Bell na wala silang magagamit na sasakyan.

Napa-isip naman si Bea sa tinanong ng kanyang kakambal. 'Nakalimutan ko ang tungkol doon.' Bulong ni Bea sa kanyang sarili.

"You can use the van." Sabay pang napalingon ang kambal sa kanilang Kuya Wil na kanina pa pala nakatayo sa pintuan. Prente lamang itong nakatayo doon habang pinapanuod ang bawat kilos ng kambal.

"We can't. We don't know how to drive." Sagot naman ni Bell bago naupo sa ibabaw ng lamesa.

"Gusto niyo 'ba, ipagdrive ko kayo?" Suhestiyon ng binata sa kanila.

"Magiging unfair 'yon para sa side niyo ni Philip." Iyon na lamang ang isinagot sa kaniya ni Bea. Hangga't maaari, ayaw niyang humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid dahil mapatutunayan lamang 'non na tama si Philip. Na hindi nila kaya kung wala ang mga binata.

"Last time I checked, kayo ni Philip ang may pag-uusap. Hindi ko sinabing kasama ako sa pustahan niyo." Seryoso nitong tugon. Malinaw sa kanyang sagot na hindi niya hahayaan ang kambal na umalis nang hindi siya kasama subalit pinal na ang desisyon ni Bea. Hindi sila tatanggap ng kahit anong klaseng tulong mula dito.

"Salamat na lang, Kuya. We will figure out something." Ngumiti siya sa kanyang kuya Wil bago tignan ang sariling repleksyon sa malaking salamin. Naka-suot siya ng black leggings at simpleng white blouse na pinatungan niya ng kulay pula at itim na varsity jacket. Isang red and black converse shoes naman para sa kanyang paa. Kinuha niya ang isang black cup at agad nang isinuot sa kanyang ulo. "You're ready?" Baling niya sa kanyang kakambal na nakasuot naman ng gray leggings at black hanging blouse. She put a simple black headband na may pink butterfly na design. She's also wearing a converse shoe pero kulay black pink naman ang sa kanya dahil iyon ang paborito niyang kulay.

"Of course." Bumaba na siya sa ibabaw ng lamesa at kinuha ang isang sling bag. Dinampot niya ang isang backpack at iniabot kay Bea. "Let's G!" Hindi maitago ni Bell ang excitement. Alam niyang pambihira ang mararanasan nila ngayon gabi.

"H-hey.." Humarang sa daraanan nila ang kanilang Kuya. "Here's some cash. Just in case na kailanganin niyo. That is from mom and dad at kung iniisip niyong tanggihan, please don't." Inilagay ni Wilson ang sobre ng pera sa bulsa ng jacket na suot ni Bea. "Take care." Walang nagawa ang kambal nang bigla silang yakapin ng binata. "If you get hurt, I will kill both of you. So better make sure na hindi kayo masasaktan or else." Bulong niya bago iwanan ang kambal.

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now