BAM MEETS BAM 25

93 6 0
                                    

Chapter 23
Jennica's POV

"Mga hayop kayo! Pakawalan niyo nga ako!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw pero parang wala silang naririnig. "Ano bang akala niyo? Mapera ako? Well, just to inform you, mahirap lang ako. Wala nga akong sariling pamilya eh!"

"Can't you do something to make that loud girl fcking shut up?!" Iritableng sigaw ng isang babae.

"Wow naman diba? Sinabi ko ba sa inyo kidnap-in ako? Tapos apura reklamo niyo na maingay ako? Tss! Ang tindi lang!"

"SHUT UP!" Sigaw nya bago lumapit sa akin.

"Eh bakit ka sumisigaw? Pakawalan niyo na kasi a---hmmn, hmmmnn!!!" Mga bastos na to! Lagyan daw ba ng busal ang bibig ko?! Hmp!

"Manahimik ka na. Kasi, kapag ako ang napikon sa kaingayan mo, hindi ko na hihintayin si Calla, ako na mismo ang papatay sayo." Nakangiti niyang bulong sa akin. Nakangiti siya as if napakabait niya. "Good. Nagkaka-intindihan naman pala tayo," umalis siya sa harapan ko at sinenyasan na ang mga kasama niya na iwanan na ako. Gustuhin ko man na sumigaw, hindi ko na magawa. Nakatanaw lang ako sa kanila bago nila ako iwanang mag-isa sa loob ng isang container van. Wala akong ideya kung saan nila ako dinala. Nakakainis! Wala din akong matandaan kung bakit nadito ako. Ang huling natatandaan ko, pumunta ako sa cr kasi ihing-ihi na ako at ninenerbyos ako sa gagawin naming pagsakay sa eroplano. May fear of heights kasi ako. Tapos, noong nasa cr na ako, may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa batok ko bago ako mawalan ng malay. Nang magising ako, nandito na ako sa loob ng isang container van kasama yung mga buset na naglagay ng busal sa bibig ko. Naka-upo at nakatali ako sa isang monoblock na nakapwesto sa mismong gitna ng container van. Tanging isang kandila lang ang nagbibigay ilaw sa loob at sa nakikita ko, mukhang hindi na aabot ng isang oras ang itatagal ng kandilang iyon.

Anong gulo ba itong napasukan ko? Dito na ba ako mamamatay? Lord, wag naman po sana..

Maya-maya pa, halos pigil na ang aking paghinga nang maramdamang gumagalaw ang container van na kinalalagyan ko. Pero iba ang pakiramdam ko. Alam niyo yung pakiramdam na para kang nakasakay sa loob ng elevator? Ganoon ang pakiramdam ko ngayon. Napapikit na lang ako habang piping nagdarasal.

Lord, ayoko pa pong mamatay.
--

Wilson's POV

Seryoso kong pinanuod ang mga videos mula sa mga CCTV Camera sa buong airport. It's been twenty four hours mula nang nawala si Jennica. We are currently inside the control room of the airport habang umalis muna sila Mommy at Daddy to find help sa mga kaibigan nila.

"Young Master, kumain na muna po kayo." Iniabot sa akin ni Raul ang isang tray ng pagkain pero umiling na lang ako sa kanya. Wala akong ganang kumain at sa tingin ko, ganoon din yung iba.

"Sir, paki-play nga ulit yung video na pumasok si Jennica sa Cr." Seryoso niyang utos doon sa lalaking staff ng airport. Tumango pa yung lalaki at ginawa na nga yung inutos ni Bea. Pinanuod ko din ang video. Its shows there na pumasok si Jennica sa loob sa Cr. May ilan pang pumasok after niya pero nakalabas na lahat ng sumunod sa kanya ay wala paring Jennica na lumalabas sa cr. "Kuya, diba sabi ni Mommy wala namang pwedeng ibang exit bukod jan?" Tumango ako bilang sagot. "A person who gets in and never came out," bulong niya. "Paki-play po ulit yung video." Pinaulit-ulit ng lalaki ang video habang titig na titig si Bea sa monitor. Hindi ko na nga nagawang manuod dahil na kay Bea ang buong atensyon ko. "Stop!" Ibinalik ko ang aking tingin sa monitor, maging sila Philip at Bell ay nakinuod na din. Hindi agad nagsalita si Bea na para bang may pinag-aaralan siya sa naka-paused na video. "That's it! She's inside." Tinuro pa niya ang isang babae na may hilang traveling bag.

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now