BAM MEETS BAM 14

139 5 0
                                    

Chapter 12 : TRAINING_101

Wilson's POV

"fine. You all have our approval.." Napangiti ako ng malapad ng marinig ko iyon kila Dad. Sa sobrang tuwa nga ng kambal, ayun nagtatatalon pa sila habang nakayakap kila Mom and Dad."In one condition.." napahinto sila sa pagcecelebrate sa sinabi ni Dad.

"Anything, Dad." Confident kong sagot sa kanya.

"Anything, huh?" Ngumisi pa sa akin si Daddy kaya para akong biglang kinabahan. "How about, I'm the one who will train you?"
.
.
.
.
.
.
.
Loading ...
.
.
.
.
.
.
Loading……

"What do you think?" humalukipkip pa siya sa amin.

"Well, it's good for me. I'm in." pacool pang sagot ni Philip. "You, dude?" baling niya sa akin.

"O-of course, that sounds fun.." fun? Yung totoo? Kinakabahan ako sa idea na si Dad mismo ang magte-train sa amin.

"Kami din," sabay na sagot ng kambal pero umiling lang sa kanila si Dad. "What?! Hindi pa rin kami kasali??" sabay ulit nilang tanong. Nagkatinginan pa sila at sabay na ngumuso sa akin.

"Yes. Hindi talaga kayo kasali sa kanila," sagot sa kanila ni Mommy. Halatang nalungkot yung kambal. Dahan-dahan na nga silang kumalas sa pagkakayakap nila kila Mommy. "Because we will have our own…" Biglang nagliwanag ang mukha ng kambal at yumakap ulit kay Mommy.

"Yehey!! I'm so happy na talaga!!" Bell even kissed Mom's cheeck, "Thanks, Mom!! I'm super duper as in super excited na talaga!!"

"Really?" nakangiti naman siyang kinausap ni Mommy. Si Bea, nag-excuse na kukuha ng tubig sa baba.

"So, kailan tayo mag-uumpisa?" si Philip. "Tomorrow?"

"How about today?" Nagkatinginan kami ni Philip at parang alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig..

Patay kami.. Mukhang  mapapasubo kami sa Training na to!

--

"Dude! Have you seen Tito Gian in a fight?"

"Not yet. I mean, wala nga kaming idea na gangster sila ni Mom. All I knew is, my father is a smart and successful business tycoon, I have no idea how good or bad he is when it comes to a fight," nagkibitbalikat pa ako. Damn.. I have no idea if magandang idea ba na si Dad ang makakasama namin sa training..

"But, I don't get it. Bakit sa Library?" sumandal pa siya sa wall ng kwarto ko.  Yep. Dad wants us to meet him in the Library within fifteen minutes. "Are we gonna read books there?" medyo natawa pa siya.

"Siraulo." sagot ko sa kanya habang umiiling. "Hindi ka pa ba magbibihis? Dad said, wear something more comfortable,"

"Fine. Kita na lang tayo sa Library." iniwan na niya ako kaya nagbihis na ako. short at white sando lang, comfortable daw eh.

After kong magbihis, dumiretso na ako sa Library. Habang nasa daan ako, nakita ko si Mommy na  nasa Maze Garden at sakto naman na papalapit na sa kanya yung kambal. 'Goodluck my dear Princesses ..' bulong ko sa sarili ko. Pagtapat ko sa pintuan ng Library, doon ko narealize na parang mas kailangan ko ng GOODLUCK kaysa sa mga kapatid ko. I know that our mother will be easy on them.. Pero si Dad? I don't think so.. I still remember the first and last time na binigyan niya ako ng disciplinary action sa pakikipag-away ko which result sa paghinto ko sa pag-aaral..

~FLASHBACK~

"Dad, I'm sorry, Okey? Ang yabang kasi nila!" pagdadahilan ko kay Dad, well, he caught me having a motor race in the middle of the night at muntik na akong makasagasa, how I wish na natuluyan ko na ang bastos na 'yon! I just want to teach those crap a lesson na bastusin na nila lahat, wag lang ang girlfriend ko. "Binastos nila si Anika!"

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora