BAM MEETS BAM 10

142 6 0
                                    

Chapter 8

Philip's POV

Tsk! Pambihira! Ang lakas ng loob ng kung sinumang may kagagawan ng pag-atake kay Bell! What if hindi nakaiwas si Bell!?

Tapos, dagger pa ng Daddy ko ang ginamit nya!

Ang kapal ng mukha nya!

Pagbabayaran nya ang ginawa nya !

Hindi ako papayag na gumawa siya ng mga kalokohan na magpapasama sa image ng Daddy ko.

My Dad is a good man, alam ko yun. Kahit malaking revelation ang pagiging gangster nila ng Mommy ko, alam kong hindi sila basta-basta mananakit ng ibang tao.

"Pre, are you okey?" Tanong sa akin ni Wilson habang nakasandal sa pasimano ng nakabukas na pinto ng kwarto ko, dito sa bahay nila.

"Did you know? Na .. na may ganitong past pala ang mga magulang natin?"

"Yes. But, the other day ko lang din nalaman. May kinalaman kasi ang Pagiging former gangster nila sa pagkawala ni Bea." Huminga ito ng malalim, "they ambushed our house and kidnapped the twins, si Bell lang ang narescue while it took us 15 years para maibalik sa amin si Bea." I see, so that's why I'm surprised to see another Bell ..

"Ano na kaya ang nangyayari ngayon? Bakit bigla na lang may manggugulo sa atin? Anong kailangan nila?" Inis kong tanong. "tapos idadamay pa nila yung Daddy ko!?"

Tss!

"Relax , Pre .." kalmado ang boses nya pero, mababakas dito na may naglalarong mga ideya sa utak nito. That is so Wilson Inigo Louis Rodriguez , nagagawa nyang maging kalmado habang patuloy na gumagana ang utak niya sa mga pros and cons .. "malalaman din natin lahat ng sagot sa mga tanong mo." Natawa naman ako sa confidence na pinapakita nito.

"You seems to be very confident about it, huh? Mukhang di ka man lang kinakabahan sa mga nangyayari.."

"Naah. I'm more excited than nervous. Malaki ang hinala ko na may kaugnayan ang nangyari kanina, sa mga taong may kagagawan ng trahedyang dinanas ng mga pamilya natin noon."

"Sa tingin mo?"

"Yes. And I cant wait na mapagbayaran nila ang ginawa nila sa pamilya ko, ganun din para sa pamilya mo .."

"You're right." Tumatango ko pang sagot. Kung totoo ang iniisip ni Wilson, na may kaugnayan ang nangyari kanina sa pagpatay sa pamilya ko, ang taong nasa likod ng pag-atake kanina ang nag-iisang tao na pwedeng makapagturo sa akin kay MoGra ...

"For now, kailangan lang nating maging handa sa pagtutuos ng mga landas natin,"

"what do you mean?" Siya naman ang napakatawa ng payak.

"Ready ka ba?"

"Saan?" Ngumisi lang ito sa akin at sinugod ako ng suntok. Hindi ko nagawang umiwas kaya tinamaan ako sa pisngi. "Awts." I said sarcastically. "Wala na bang mas lalakas ang suntok mo?"

"Naah. I'm just starting to heat up." Pinaulanan nya lang ako ng suntok. Noong una ay puro pag-iwas lang ang ginagawa ko pero nang makuha ko ang tamang bwelo ay nakipagsabayan na ako ..

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora