BAM MEETS BAM 18

94 7 1
                                    

Chapter 16

Bea's POV

"Lady Bea? Good morning.." Yumuko pa siya sa akin.

"Hi, Justin.." Tipid pa akong ngumiti sa kanya.

"Off to somewhere?" Napalingon naman agad ako kay Philip na pababa ng hagdanan. Mukhang magkasunuran lang kami at hindi ko lang siya agad napansin dahil sa dami ng iniisip ko.

"Jogging." Sagot ko sa kanya, "Justin, pwede mo ba akong samahan?"

"Yes, My lady."

"No. Ako nang sasama sayo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Philip, "You can just stay here," napatingin sa akin si Justin kaya tumango na lang ako sa kanya para sundin ang iniutos sa kanya ni Philip. "Let's go?"

"Sige. Justin, pakisabi na lang kila Mommy kapag hinanap nila ako, salamat." Siya naman ang tumango sa akin kaya nauna na akong lumabas at sumunod naman din agad sa akin si Philip.

"Hey? Okay ka na ba?" He asked me habang nagjo-jogging kami. Dito lang naman kami sa loob ng mansyon, sa bandang maze garden.

"Ewan ko ba, Philip. Ang hirap lang kasi sa sitwasyon ko. Gustong-gusto kong hanapin at iligtas si Lenlen pero wala naman akong idea kung paano ko iyon gagawin."

"I heard that Tito Gian is doing everything para maibalik si Lenlen."

"Alam ko naman 'yon. Hindi ko lang matanggap na habang andito ako, kumakain sa oras at komportable sa buhay, may isang bata ang nanganganib." Napabuntong-hininga ako.

"Don't think that way, Bea." He stopped kaya napahinto na din ako. "I want to show you something." May kung ano siyang dinukot sa bulsa ng suot niyang jacket. "I saw this last night sa Orphanage." Iniàbot niya sa akin ang isang piraso ng maliit na papel. "I don't know if para saan iyan." Kinuha ko iyon at tinignan kung anong nakalagay sa papel.

Chained Roses. 13218

Bakit may ganito sa ampunan?

"I think I saw that logo before." Bulong niya. "Hindi ko lang matandaan kung kailan and how I saw it, but it is really familiar."

"Is it okay if hingin ko sayo 'to?"

"Okay lang naman. Wala naman akong gagawin diyan." Ngumiti pa siya sa akin. "By the way, I want to ask you something,"

"Tungkol saan?"

"Actually, it's more of tungkol kanino," napakunot ako ng noo. "Ahh, gusto ko lang sana malaman if gaàno katagal mo nang kilala si Jenn?"

"Are you interested to my Bessie?" Diretso kong tanong. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako.

"No! I mean yes, but no." Natataranta niyang sagot.

"Ano ba talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay. I admit, I'm curious about her but it doesn't mean that I'm interested to her."

"Talaga ba?"

"Yes, and you don't have to be jealous." I saw him smirked.

"Ako? Nagseselos? Kapal nito," nginusuan ko siya. "Well, to answer your question, since childhood magkasama na kami. Mali pala, magkasama na kami kahit nung mga babies pa lang kami. Why?"

"Naaah, again I'm just curious,"

"Okay.." Sagot ko kahit hindi naman ako convinced na curiosity lang ang dahilan niya kung bakit niya naitanong iyon.

"BESSIEEEEEEE!!" Sabay kaming napalingon ni Philip sa tumatakbong si Jenn papunta sa amin.

"Dahan-dahan lang," natatawang paalala sa kanya ni Philip.

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now