BAM Meets BAM 17

101 8 0
                                    

Chapter 15

Jenn's POV

Nagising ako sa ilang magkakasunod na pagputok ng baril. Hindi ko alam kung instinct o katangahan ang nagtulak sa akin para bumangon at lumabas ng kwarto namin.

"Ate Jenn.."

"Bakit ka lumabas??" Agad ko siyang nilapitan at ipinasok ulit sa kwarto,

"Ate.. May narinig ako.." Halos manginig siya sa takot.

"Sssssshhh.. Wag kang maingay, Lenlen. Titignan ko lang kung anong nangyayari sa baba, ha? Kahit anong mangyari, wag na wag kang lalabas, naintindihan mo?" Tumango naman siya. Kinuha ko ang kanyang mga kamay at itinakip iyon sa tainga niya. "Close your eyes.."

Nang makapikit na siya, agad akong lumabas ulit at tahimik na naglibot sa buong bahay..

Mukha namang normal na ang lahat except from some broken windows ..

"A-ate... T-tulungan mo ko..." Halos kilabutan ako ng makita ko ang isa sa mga batang naninirahan dito sa ampunan. Balot na balot siya ng dugo sa buong katawan.. Agad ko siyang nilapitan at kinalong"A-ate, p-papatayin niya tayong lahat... Ate..."

"John! John, ano ba?? Sino gumawa sayo nito?! John!!!" pinulsuhan ko siya pero wala na siyang heartbeat. Tumayo ako at agad na pumunta sa table na may telephone. I dialed the emergency hotline pero wala, nang tignan ko ang chord ng telepono, putol iyon.

Anong gagawin ko?! Si sister Lisa!

"Sister Lisa?!!!" Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kwarto niya. "Sister!!" Agad akong lumapit sa kanya at inalis siya sa pagkakatali niya. Wala siyang malay. "Sister, si John.. Kailangang madala siya sa ospital.."

"ATE JEEEEEEEEEEEEEEEEEEENN!!!!"

Si LenLen?!!

Tumakbo ako pabalik sa kwarto pero wala na doon si Lenlen. Habang yung ibang mga bata, nakatali na at umiiyak na sa takot.

"Nasaan si Lenlen??" Tanong ko kay Julie matapos ko siyang kalagan.

"Ate, kinuha nila si Lenlen.. Ate , nakakakot ako.."

"Tanggalin mo yung tali nila, iche-check ko muna yung room ng mga boys," lumabas ulit ako at pumasok sa katabing room. Ganoon din ang lagay nila. Lahat sila at nakatali at may mga takip pa sa mukha. Isa-isa ko silang kinalagan.

"Ate, si John.." Halos manlata ako nang maalala ko si John..

Kinuha ko ang cellphone ko..

Wala na akong ibang maisip. I have to call her..

--

Bea's POV

~ohhh, everytime I see you..~

Kahit inaantok pa ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinagnan kung sino yung tumatawag.

Si Bessie?

Bakit naman siya tatawag ng ganitong oras?

"Hello, Bessie?"

[B-bessie, t-tulungan mo kami..] Agad akong napabangon nang marinig ko ang nanginginig niyang boses.

"Anong nangyari?!!" Tanong ko habang isinusuot ang jacket ko.

[Pumunta ka dito, please? Si John... W-wala na si John..]

"ANO?!! ANO BANG NANGYARI?!!"

[Hindi ko din alam.. Bessie..]

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now