02: kabanata 86

35 1 0
                                    

Clarkson's POV

Mabilis nagdaan ang araw at huling araw na ng semester namin, hindi ko nakita si alexis ng buong isang linggo. Hindi daw muna pumasok dahil gusto niyang mawala muna ang bulungan bago siya bumalik.

"Alam mo ba kung san nakacondo si alexis ngayon katelyn?" Usal ko,

Nandito kami ngayonsa cafeteria lunch namin at nanatili nanaman akong thirdwheel ng dalawang ito.

"Ayaw niya pasabi sa iba clark sorry. Hindi ko kayang sabihin." Usal nito at napahawak ako sa kamay niya.

"Please alexis. Kakamustahin ko siya yun lang." Usal ko at napairap siya at tumingin siya sakin.

Natapos ang maghapon na klase at kumaripas ako ng takbo sa kotse at dumeretso sa tinuro na condo ni katelyn.

Bumaba ako at bumungad sakin ang napakalaking building. Pumasok ako sa lobby at tinanong kung nasaan ang room niya.

"Excuse me, can i have ms alexis alfaro? Anong room number niya?" Usal ko at kinuha ang telepono at alam kong si alexis ang kausap niya.

"Okay sir. Room 404, fourth floor." Sambit niya sakin at tumungo sa elevator paglabas ko ay agad ko hinanap ang room na tinuro sakin at kinatok iyon.

Bumukas ang pinto at bumungad sakin si alexis na laking gulat nang makita ako.

O____O

"Pano mo nalaman tong condo ko!" Usal nito at ngumisi.

"Papasukin mo muna kaya ako?" Usal ko at umirap ito sa kawalan at binuksan ang pinto.

Bumungad sakin ang malaking sala at kusina.

"Pano mo nalaman!" Paguulit nito habang nakatalikod ako at tinitignan ang wangis ng condo.

"Sinabi ni katelyn." Usal ko at humarap sakanya.

"Aisshhhhhhh!!!!!!. Si katelyn talaga." Usal nito at ngumisi lang ako dahil ang cute niya.

"Pwede umupo?" Turo ko sa sofa at ngumisi siya.

"Alam mo kung magiinarte ka lumayas kana lang dito." Usal niya at tumuloy siya sa kanyang laptop.

"Bat hindi ka pumapasok?" pagbabasag ko ng katahimikan at patuloy itong nag tatype sa laptop niya.

"I choose to study online muna and next sem na ako papasok." Usal ko. "Masyado naging toxic ng bumalik ako." Usal nito at tumayo.

"Kakatapos lang ng klase namin, and i just want to know na okay kalang." Usal ko at pinanood siya pumunta sa kusina.

"Im really okay. Sanay naman nako sa ganto clark parang hindi ka naman nasanay." Usal nito at inalok sakin ang iced chocolate. "Alam konh favorite mo yan kung ayaw mo itapon muna lang."  Usal ko at ngumisi ininom iyon at binuksan niya ang napakalaking TV niya.

"Magisa kalang dito?" Usal ko at humigop sa binigay niyang iced choaolate.

"Yes, habang buhay nakong magisa. Baka ayain ko din si katelyn minsan dito matulog at si june." Usal nito habang nakatingin sa pinapanood.

"Mas mabuti kung may makakasama ka dito. Mas makakabuti saken yon." Sambit ko at tumingin siya sakin.

"Can you please stop. Sobrang OA muna. Haha." Usal nito at bumalik sa panonood ng TV.

"How's your life in singapore." Usal ko at ngumiti siya.

"I'm so thankful dahil nabuhay pa ako." Sambit nito at ibinaba ang iniinom niyang kape at nag de kwatro. "andami kong inayos sa sarili ko bago bumalik."

"I texted you, i called you. But walang sumasagot." Sambit ko at tumawa siya ng bahagya.

"Sorry. gusto ko lang maging maayos ang lahat clarkson." Sambit niya at tumayo. "Dito kana lang mag dinner i can cook na" pagiiba nito at pinanood na lamang siyang nakatalikod at may ginagawa sa kusina.

Naiintindihan kita alexis please bumalik kana.

Inaya niya ako sa lamesa at natawa ako ng sobra nang hotdog at bacon ang niluto niya.

"Bat ka tumatawa!?" Usal nito na nakanguso at napangiti ako.

"Akala ko naman kung ani ang niluto mo."

"Ayaw moba? Magpapadeliver na lang ako." Sambit nito at akmang aalisin na niya mg hawakan ko ang kamay niya,

"No, kumain na tayo. masyado na ding gabi." Usal ko at inalis niya agad ang kamay niya sa kamay ko.

kahit ano pang gawin mo alexis matutuwa ako.






Alexis POV

"Ikaw nagsumbong sa mga dean noh?" Usal ko at napatingin siya sakin.

"Yes. Hindi ako nakapagpigil eh. Nangyari nanaman kasi." Usal ko at tumawa siya,

"Thank you. hindi kona masyado kinalaban dahil nakita ko ang ginawa mo sakanila nung nasa backstage kami." Usal ko at tumawa siya.

Natapos kaming kumain at nanatili kaming naguusap tungkol sa isat isa. Namiss ko yung ganto kakalma kausap, namiss ko yung mga tindig niya bawat salita niya. Kinikiliti na lang lagi ang sarili ko sa tuwing magsasalita siya.

"I think i should go now. Papasok ka naman na next week eh." Usal nito at hindi ko pinansin dahil hindi ko alam kung ano sinasabi sakin ng puso ko.

"Hatid na kita sa baba let's go?" Usal kona lamang at kinuha ang susi at tanging short lang suot ko at sando.

"Pwede bang palitan mo yung suot mo?" Usal nito at napatakip na lang ako sa sarili dahil nakatingin siya sa dibdib ko.

NOOOO CLARKKKSONNNNNNNN!

Mabilis akong umakyat sa kwarto at mabilis na nagsuot ng jacket at bumaba at tuluyan lumabas, dahan dahan siyang lumabas at malaki ang ngisi.

"Bilisan mo." Usal ko at pumasok kami sa elevator.

Nakapwesto siya sa harapan ko at halata namang hinaharanagan niya ako, naamoy ko ang amoy niya dati pa. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko kaya.

Lumabas kami at nakatayo kami ngayon sa lobby.

"Thank you sa dinner. Dito na lang ako." Usal nito at ngumiti ako.

"Yes, marami akong gagawin ingat ka" walang emosyon na sagot ko. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa palapulsuhan at hinarap sakanya at tuluyan niya akong niyakap.

Napapikit ako. At dinamdam ang bisig niya.

Nangilid ang luha ko at niyakap siya pabalik.

"Namiss koto alexis. Please bumalik kana. Please."


Babalik ako clark pangako.

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Where stories live. Discover now