Kabanata 43

61 1 0
                                    

Kabanata 43

Alexis's POV

Kumaripas kami ng punta sa school dahil ngayon ang family day ng senior highschool!

"Ang ganda ng t-shirt naten sis!!" Sigaw ni katelyn habang tinitignan ang suot naming batch shirt ng clydon.

Bumaba kami ng bus at bumungad samin ang malaking gate ng clydon, hindi ko alam pero sa tuwing titignan ko ang gate ay parang bago kami sa school na ito.

Pumasok kami at dumeretso sa field kung saan ginaganap ang family day namen.

Hindi kona naisama si papa dahil may pasok siya sa opisina niya at si katelyn naman ay ayaw niya talagang isama ang pamilya niya dahil manggugulo lang daw ang kanyang pamilya.

"Wow, you look so beautiful alexis haha"

Pumihit ang sarili ko at tumambad sakin ang itsura ni lea at ni jane.

"Ayaw namin ng away kaya umalis na kayo." Usal ni katelyn at doon sila ngumising dalawa.

"W-wait what? Kami makikipag-away sa tulad niyo? Wow so eww" usal ni lea habang pinandidirian kami.

"Hindi ko alam kung bat niyo to ginagawa pero sana tumigil na lang kayo." Usal ko habang nakahawak sa nakasukbit kong bag.

"Wag kang magdrama alexis dahil wala akong pake sayo may pake lang ako sa taong nilalandi mo" usal ni jane habang nakatingin ako ng deretso sakanya

"Ano bang sinasabi mo?" Usal ko habang nakatingi siya saken

"Si clarkson nawala siya saken kase ano? Kase kumapit ka na parang higad kaya ngayon ikaw yung nilalandi niya!"

~~PAAAAAKKKKKKKK~~

Napasapo siya sa sampal ko at agad na sumingit si lea. Hinawakan niya ako sa braso ko at tumingin din ako sakanya.

"Wala kang karaptan saktan yung kaibigan ko!" Sigaw niya at akmang sasampalin niya ko pero agad ko itong nahawakan.

"Wala din kayong karapatang gumawa ng kwento tungkol saken." Usal ko at itinulak siya.

Bumalik ang paningin ko kay jane na nakatingin lang saken.

"Mauna na kami." Usal ko at dumeretso na sa field.

"Buti naman lumaban kana hahah galing mo don!!" Sigaw ni katelyn habang patungo kami sa field.

"Eh sumosobra na sila." Wala sa sarili kong sambit.

Bumungad samin ang kumpol-kumpol na estudyante ng clydon!

"Wow, ganito pala kadami ang student ng clydon!" Usal ni katelyn habang nakatunganga sa mga estudyante.

"Hindi ko din alam na ganito kalaki ang gagamitin na place haha tara na..." sabi ko atska hinatak at hinanap ang aming pwesto.

"Excuse me."

"Excuse me po."

"E-excuse"

Natigil kami sa paglalakad ng makabangga ko si...

SI CLARKSON!!!!!!

Iniangat ko ang ulo ko dahil sa sobrang tangkad niya ay tanging dibdib lang niya at nakikita ko.

"H-hi g-goodmorning hehe" hiyang usal ko habang nakatingin sakanya.

"Ang ganda mo sa suot mo" sambit niya habang nakangisi.

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon