Kabanata 28 Acquaintance Party

86 2 0
                                    

Si zeid po yung nasa multimedia ❤️ credits to the owner❤️

Kabanata 28

Alexis's POV

"Alexis! Woi! Alexis!" Bumalik ako sa huwisyo ng tawagin ako ni katelyn!

Wahhhhh!! Wait....

"A-ahh s-sorr ganda kasi ng kanta." Pagpapalusot ko at tumingin siya sakin ng mabuti.

"Feel na feel yung kanta o feel na feel yung pag kanta ni drake?" Sabi niya at umirap ako bigla.

"Sira! Ang ganda nung kanta okay kaya wag kanang mangulet." Sabi kopa at tumayo. "Kumuha na lang tayo ng pagkain." Dugtong ko at tumayo
Naman din siya.

"Oh san kayo pupunta?" Sabi ni margaux at doon ko siya nilingon.

"A-ahh kukuha lang nag pagkain."

"Sabay na kami tara?"

Pumunta kami kung saan sineserve ang mga pagkain at hindi ko alam na ang haba ng pila nito.

"Dapat pala kanina pa tayo kumuha ng pagkain mumsh." Sabi ni june at doon na lamang bumuntong hininga.

"Baka mamaya na lang kami kumuha, dun lang kami!" Bungad ni margaux at hinatak niya ang dalawa si katelyn at si june!

Hala sino naman kasama ko dito!

"K-kate—" aalis na sana ko sa kinatatayuan ko ng may humawak sa palapulsuhan ko.

"Malapit kana aalis kapa sa pila." Agad akong lumingon at doon ko nakita si clarkson habang nakahawak sa palapulsuhan ko.

"Iniwan kasi nila ako." Sabi ko na lamang at agad pumiglas sa pagkahawak niya.

"Plate? Oh, dito kana sa harapan ko." Sabi niya at inilahad niya ang plato sakin.

Kung hindi lang talaga ko nagugutom! Pero nagutom ata ko sa kanta ni drake. Heheh.

"Salamat" sambit kona lamang at tumuloy sa pila.

Nakakailang naman to.

Nakakailang dahil nasa harapan niya ako habang nakahawak siya sa balikat ko.

"Ang bigat ng kamay mo" sabi ko at ako na mismo ang nag alis ng mga ito.

"Ang arte mo naman tss. Sabagay maganda ka nga pala ngayong gabi" sabi niya at doon ko siya tinignan.

Anong konek aber!

"Hindi naman maganda maayos lang." sabi ko habang kumukuha ng pagkain pati siya.

"Maayos, maganda anong pinagkaiba non tss." Sabi niya habang patuloy niyang sinasandok ang mga pagkain na gusto niya at ganoon den ako.

"Alam mo kumuha kana lang diyan ng pagkain" sabi ko pa at aalis nako ng hawakan niya nanaman ako!

"Ganyan kaba talaga kabastos? Alam mo bang hindi kopa naririnig ang oo mo?" Sabi niya at pumwesto kami sa isang tabi habang hawak ang plato.

"Pwede ba, madami kapang maidadate dyan kaya wag ako." Sabi ko atska umirap.

Oo hindi ko siya napili dahil baka kung ano ano pa ang sabihin sakin ng mga babaeng nakapalibot sakanya.

"Pwes, ikaw padin ang date ko kasi hindi pumayag." Sabi niya at hinawakan niya ang plato ko. "Ako na ang maghahawak." Dugtong niya.

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon