Kabanata 25

82 1 0
                                    

Kabanata 25

Alexis's POV

"Anak gising na." Nagising ako sa nagsabing yon at unti unti kong minulat ang mata ko at tinignan kung sino ang nagsalitang iyon.

Si papa.....

Ilang araw din ang lumipas at ngayon na ang uwi namin ni papa sa bahay at buti na lang ay sa loob ng isang linggo ay talagang bumalik ang kanyang lakas.

"Pa, makakauwe na tayo" sambit ko pa habang nagtitimpla ng kape.

"Mabuti nga anak eh alam kong madami akong pinagdaanan ito lang talaga ang pinaka marahas" sabi niya at binigay ko ang kanyang baso na may kape.

"Eh pa pano nga ba kayo na baril, nalaman kona lang na andito kayo sa hospital." Sabi ko at humigop ako ng kape.

"May nagtangkang bumaril sakin anak pero hindi ko alam kung sino, wala naman din akong alam kung sino ang nakagalit ko ng mga araw na iyon." Sabi niya at doon ako napatayo.

"Eh pa kailangan mo na atang umalis sa opisina nayan, baka kung mapano kapa ulet." Pagalala ko at doon siya kumunot.

"Anak kailangan ko bayaran sayo ang binayad dito sa hospital, pero san mo nga ba yon nakuha?" Sabi ko at doon ako nanlamig.

Hindi ko dapat sabihin mayayari ako nito!

"A-aah pa ginamit ko yung ipon ko at dinagdagan ko na lang para makapagbayad ako." Pagpapalusot ko at doon ako pinagpawisan ng malamig.

Inubos kona lamang ang kape ko at tinungo ang pwesto niya.

"Mag-aayos nako pa para makahanda na tayo mamaya." Sabi ko na lamang at doon ako nagsimulang magayos.

Hindi nagatagal ay nakauwe din kami ng maayod ni papa at pinaupo ko muna siya sa sofa para makapag pahinga.

Kinuha ako phone ko at tinignan ang mga nagmessage. At doon ko nakita ang message ni katelyn.

***************
Next week na ang Acquaintance party, kakaannounce lang na maghanda na. See you!
**************

Pagtapos kong basahin un ay agad akong nagpaalam kay papa na aakyat muna dahil hahanda kona ang gown ko.

Sobrang Excited bakit ba?

Inilabas ko yon sa malaking kahon at kinilatis ito.

Napakaganda niyaaa!!!!

Nakangiti ako habang kinikilatis ito at saka ko ito sinabit kung saan.

Magagamit na kita!

Bumaba ako at naghapunan na nga kami ni papa, at kailangan ko pang pumasok bukas dahil may importanting gagawin sa isa naming subject at may practice daw sa gaganapin na Acquaintance party.

KINABUKASAN❤️

Kusang namulat ang aking mata at tumunganga sa isang sulok ng kwarto.

Maaga ata ko nakatulog kagabi.....

Medyo madami din kaming napagkwentuhan ni papa tungkol sa nangyari sakanya, kaya medyo inantok na ako kagabi.

Kumaripas ako ng pagligo at nagsuot ng uniform, at muli ko itong kinilatis.

Ang ganda pala ng uniform sa clydon ah...

Bumaba ako sa ilang palapag ng hagdanan at doon kong nadatnan si papa na nakaupo.

"Pa, alis na po ako magiingat po kayo dito ah!" Pagpapaalala ko.

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Where stories live. Discover now