Kabanata 12

107 3 0
                                    

Kabanata 12

Alexis's POV

Gumising ako sa isang tunog ng cellphone ko, agad kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang liwanang na nanggagaling sa bintana.

Agad akong bumangon at kinuha ang phone sa side ko.

7:00am

Alas siyete palang ng umaga kaya naman bumaba ako mag almusal muna.

Pagbaba ko ay agad kong nakita si papa na nakabihis ng uniporme niya sa trabaho niya, ilang linggo na siya sa trabaho pero hindi man lang niya sinabi sakin kung ano ang trabahong nakuha niya.

"Pa? Aalis kana?" Sabi ko atska ako kumuha ng baso at sachet ng kape.

"Oo anak maaga naman ako uuwe mamaya." Sabi niya "hindi na muna kita maihahatid ngayon dahil maaga akong papasok." Dugtong niya at tumango na lamang at itinuloy ang pagtimpla ng kape.

"Kamusta pala ang school nak? Hindi kita masyado nakausap ng maayos kagabi mukhang pagod na pagod ka eh" sabi niya at inihigop ko naman ng kaunti ang kape bago nagsalita.

"Okay naman pa, pero may incoming party kami next month,kailangan ko ng gown pa." sabi ko atska ako naupo sa sofa

"E walang problema don anak basta ang importante mag-aral ka ng mabuti jan." sabi niya at may kinukuha siya sa kanyang bulsa at nagulat naman ako sa kanyang kinuhang pera sa kanyang bulsa. "Mamili ka na ng gown mo anak, basta gown ang bibilhin mo hindi ibang bagay." Sabi niya at itinanggi ko ang pagkuha ng ganong kalakeng pera.

"Pa, magiipon na lang ako tutal next month pa naman yon atska—" naputol ang sasabihin ko ng agad siyang magsalita.

"Anak, alam kong kailangan mo ng magarabong gown kaya kunin mona ito." Kinuha niya ang kamay ko at inilapat ang pera doon.

Hindi ko maiwasang umiyak at niyakap ko naman siya.

"Salamat pa! Promise pag may sobra dito titipirin ko yon idadagdag ko sa ipon ko!" Sabi ko atska niya ako tinapik tapik sa likod.

"Osya, aalis nako baka ako'y malate pa." sabi niya at ngumiti ako ng malaki.

"Mag-iingat ka pa!" Sabi ko at sumakay na nga siya sa kanyang kotse at kumaway muna ako bago siya tuluyang umalis.

Itinago ko agad ang pera sa cabinet ko at naligo na ng tuluyan, pagtapos ko maligo ay inihigop ko muna ang natitira kong kape at nagbihis na.

Ang ganda ng umaga ko ❤️

Bumaba ako ng hagdanan at bumungad sakin si katelyn.

"Oh pano ka nakapasok?" Sabi ko atska siya tumawa ng bahagya.

"Ano kaba?nakabukas yung pintuan niyo."

"Eh bat hindi ka kumatok."

"Eh nakabukas na eh magiingay paba ako."

"Tsk siraulo"

"Osya na pa xerox kona ang ID  nating dalawa kaya ipapasa natin to ngayong umaga." Sabi niya at inilahad niya ang ID na kinuha niya sakin kagabi.

Pagtapos kong magsapatos ay agad kaming dumeretso sa milktea shop na pagaaplayan naminni katelyn, pumasok kami doon at bumungad ulit samin ang babae pero sa ngayon tatlo na sila nandito.

"Goodmorning maam?" Sabi niya at kinilatis niya ang mga mukha namin "ahhh kayo pala yung mag aaply dito sa i love milktea" sabi niya at tumango na lamang kame

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن