CHAPTER 89: Traydor?

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinara ko ang pinto bago magpalit.

Alangan namang ipakita ko ang hubad kong katawan sa kanya? No!!

Nang makapagpalit na ako ay nakita ko siya na naka higa sa kama at wala paring damit.

"Mag damit ka nga! Ang laswa mong tignan!" sabi ko at hinagis sa kanya ang damit niya.

"You wanted me naked now you want me to wear this? Fuck no!" sabi niya at hinagis ulit sa akin ang damit.

"Bahala ka jan! Bababa na ako. Bahala ka sa buhay mo!" sabi ko at lumabas na ng pinto.

Pagkababa ko ay agad namang lumapit ang tatlo at ang mga mukha nila.

Mukha ng mga chismosa!

"Ano nag enjoy ka ba?"

"Ano masarap?"

"Dali na magkwento ka na!"

"Alam niyo ang dudumi ng mga utak niyo! Hindi nangyari ang mga iniisip niyo! He's just making fun of me." sagot ko at naupo sa couch.

Habang nag uusap usap kami ay nakita ko naman si Ren na pababa ng hagdan.

He's wearing my hoodie again!

At nakiterno pa talaga ang hayop!

"Ay kabog naka couple hoodie!" rinig kong sabi ni Trixie.

"Tumigil ka nga!" sabi ko at tumayo at lumapit kay Ren.

Bago pa man ako magsalita ay inunahan na niya ako.

"Be careful of your hickey. It's quite showing!" bulong niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niyang iyon at hinawakan ang leeg ko.

"Pag ito nakita ni mama at kuya sasagasahan kita!" inis kong sabi at bumalik na sa kinauupuan ko kanina.

"Bye girls! Bye Tita mauna na po ako! Bye fiancé that was good." sabi niya at kumindat pa kaya tinignan ko ulit siya ng masama.

Kung ano anong sinasabi! Bat di nalang kasi umuwi! Nakaka inis!

"Hoy anong nagyari sa inyo? Ano? Magkwento ka na!" sabi nilang tatlo at niyuyugyog pa ako.

"Wala nga." sagot ko naman. Wala naman talaga.

Sasagasahan ko talaga yung lalaking yon pag nakita nila mama to!

Nakakainis siya!

Ren's POV

"Oh saan ka galing?" bungad sa akin ni Kurt.

"Oo nga may sugat ka sa labi. Anong nangyari?" sabi ni Mike.

"Nakipag away ka ba? Bakit naman hindi mo kami sinama?" wika ulit ni Kurt.

"Teka. Alam na alam ko ang sugat galing sa suntok pero yang nasa labi mo. Iba." sabi niya ulit.

"Ohhhhhhhhh saan ka nakipaglaban? Sa kwarto ba?" lokong tanong ni Mike.

"Tumigil nga kayo!" suway ko naman sa kanila.

Kung ano anong sinasabi.

"Anong balita kay Blake? Hindi parin ba nahahanap?" tanong ko at nagpunta sa ref para uminom.

"Hindi parin." sagot nila.

"Matalino siya. Sigurado akong walang nangyaring masama sa kanya." sagot ko pagkatapos uminom.

"Mas mabuti siguro kung tumulong na din tayo sa paghahanap. Baka kung ano nang nangyari don. May pagkatanga pa naman yon minsan." sabi ni Mike at tumawa.

"Sige tara. Si Matt wala na naman ba?"

"Nandoon. Baka gumagawa ng milagro." sagot ulit ni Mike.

Kahit kaylan napakamanyak ng hayop na to.

"Tawagin niyo na nga para maka alis na tayo. Magpapa alam muna ako kina mommy." sabi ko at umakyat papunta sa kwarto ni Euniece.

Natutulog na siya. Kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at inayos ang kumot niya.

"I'll come back tomorrow." sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Sunod naman akong pumunta sa kwarto ni Mommy.

"Oh Ethan saan ka nanggaling?" bungad niya pagbukas ko ng pinto.

"Kina Tita Cristina. Mommy aalis po kami babalik din po kami bukas." pagpapaalam ko.

"Saan na naman kayo pupunta? Panay ang alis niyo ah." tanong niya.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang nangyayari kaya magsisinungaling muna ako sa ngayon

"Sa bar po." sagot ko. Sorry Mommy.

"Nanaman. Napapdalas ang pagpunta niyo sa bar Ethan ha."

"Matutulog po kami kina Blake. Uuwi po ako bukas." sabi ko at kiniss na siya tsaka umalis.

"Tara na." pag aaya nila sakin ng makababa ako.

"Ako ba magdradrive akin na ang susi." sabi ni Matt habang palapit sa amin.

Agad namang binigay ni Kurt yung susi ng sasakyan sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa daan.

"Mike tumawag ka nga sa isa sa mga kasamahan natin. Magtaning ka kung ano nang balita." utos ko sa kanya na agad naman niyang ginawa.

"Ano ng balita sa paghahanap niyo?"

"Ano?"

"Sinong nagsabi?"

"Wala pa kaming inuutos na tumigil sa paghahanap!"

"Bakit? Akin na ako ang kakausap." sabi ko at kinuha ang cellphone sa kanya.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko.

[Boss pinatigil niyo na po kami sa paghahanap.]

"Anong pinatigil? Wala pa akong sinasabi!"

[Nakarating po sa lahat ng department na pinapatigil niyo na po ang paghahanap kay Blake. Nagsiuwian na po silang lahat]

"Wala akong inuutos! Sinong nagsabi?"

Who the fuck said that?

"Si Matthew po. Sinabi po niya na tumigil na daw po kami sa paghahanap. Inutos niyo daw po."

Agad kong iniabot kay Mike ang cellphone bago ko pa ito mabasag.

"Stop the car." utos ko at agad namang tinigil ni Matt ang pagmamaneho.

"Matthew. Anong sinasabi mo sa mga kasamahan natin na pinapatigil ko ang paghahanap kay Blake? Nasisiraan ka na ba? Are you out of your fucking mind?"

"Pakinggan mo muna ako bago ka magreact ok? May pupuntahan tayo. Pagkatiwalaan niyo muna ako sa ngayon."

"Mike iutos mo sa mga kasamahan na bumalik sa paghahanap!" sabi ko at tinignan si Matt ng masama.

"Trinatraydor mo ba kami Matthew?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Ano ba mag aaway ba talaga kayo?" tanong ni Kurt sa amin.

"Pag ikaw bumaliktad sa grupo Matthew hinding hindi ako magdadalawang isip sa patayin ka. Tandaan mo yan!" pagbabanta ko sa kanya

I will kill him kung trinatraydor niya nga kami. Hindi ako magdadalawang isip na patayin siya pag nangyari yon.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon