"Ngayon ka lang uuwi?"

Napatalon ako sa sobrang gulat sa biglaang nagsalita.

"What time is it?"

Tiningnan ko ang relo na suot sa kaliwang kamay at sinabi iyon sa kanya.

"Hindi ka pa rin nauwi?" Takang tanong ko kay Argon na nakasandal sa kotse niyang katabi ng akin.

"Kakatapos ko lang mag-ikot."

Tumango ako at nilampasan na siya para pumunta sa kotse ko. Gusto ko ng umuwi, masakit ang balakang ko kakaupo at masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover.

"Do you want me to drive you home? You look tired..." Ani ni Argon bago pa ako makapasok sa kotse.

Ngumiti ako at umiling. "Ayos lang. Kaya ko." I wave my hand as a goodbye beofre entering my car.

Binusinahan ko pa siya bago siya tuluyang lampasan. Nang makalayo ay inihinto ko ang kotse sa gilid at isinandal ang noo sa steering wheel.

Bakit ba siya ganon? Pinapaasa niya ba ako?

Nanghihina ang buong katawan ko dahil sa presensya niya. Halos hindi rin ako makahinga dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko. How can he still affect me like that? Ni hindi nabawasan, nadagdagan pa nga.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan bago nahiga para matulog.

Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. Bethyl and Blanche used to call me bago sila matulog.

They're always like that. Checking each other before sleeping. And I'm so lucky to have them.

"Hello," I sleepily uttered.

Nagantay ako ng ilang segundo pero walang nagsalita. I check the callers name pero number lang ang nakalagay.

"Excuse me... who's this?"

"Goodnight, Samantha."

Gumising ako nang may malaki at maitim na eyebags.

"Ganda mo Miss ah," agad na pansin ni Rene ng makita ako.

Ipinakita ko sa kanya ang gitnang daliri bago dumiretso sa opisina. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Gusto ko lang matulog.

"Rene!" I shouted. "Cancel mo lahat ng gagawin ko ngayong araw!"

I heard her say okay kaya inihiga ko ang sarili sa maliit na sofa. Maliit din naman ako kaya ayos lang. Pinilit ko lang na magkasya ako at kahit hindi komportable ay ipinikit ko ang mata ko. Ang mahalaga makakatulog ako. Hindi naman masyadong maliit ang sofa. Lagpas nga lang ang paa ko.

Naalimpungatan ako ng may maramdaman na malikot. Kalahating dilat ang ginawa ko at umungol pa na parang bata. Pakiramdam ko nakalutang ako.

"Sleep," ani ng isang malamig na boses.

A grip on my arms and legs tightened. Medyo nasaktan ako kaya napadilat ng buo ang mga mata.

"I said sleep," he commanded.

"Bakit mo ako buhat?"

"Ihihiga kita sa mas komportableng higaan. Why are you even sleeping in a small sofa?" He asked with his creased forehead.

"Inaantok ako, e."

"Dapat hindi ka na pumasok."

"Ayoko, wala rin naman akong gagawin sa bahay."

"Matulog?"

Itinikom ko nalang ang bibig at hindi na nagsalita. Pumasok kami sa elevator at napansin na pinagtitinginan kami ng ilang tao.

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now