Peke akong natawa. Parang naguluhan ako bigla sa kwento niya.

"Teka paano mo nakausap ang mga magulang mo? Saka sigurado ka bang sila ang mga magulang mo? At nagsasabi sila ng totoo saiyo?"sunod-sunod na tanong ko.

Tumango tango siya.

"Nagpakita sila sa akin ng mga ibidensya. Mga pictures ko nung baby bago pa ako makuha ni Nicanor sa kanila."

"Mga ilang taon ka nun?"

"Sabi ng Mama ko. One year old ako ng mawala sa kanila."

Napakurap kurap ako at seryosong sinaksak sa utak ko ang mga nalaman.  One year old siya ng mapunta sa poder ni Nicanor. Meaning, hindi siya ang hinahanap ko.

Ayon sa nakuha kong info at sinabi ni Daddy sa akin. Halos kapapanganak palang ng apo ni Don Beunza ng mawala ito. Sa tansya ni Daddy ay baka mga six months old.

"Marami silang pinakitang litrato sa akin at mga papeles kaya naniwala ako. At isa pa, may palatandaan sila sa akin."sabi niya na nagpabalik sa kasalukuyan.

"Anong palatandaan?"may kuryusidad kong tanong.

Ngumiti siya at itinaas ang kanang braso.

"Ito yung peklat ko nung ma-aksidente nung baby pa ako dahil sa kapabayaan ng nagbabantay sa akin."natatawa niyang sabi.

Titig na titig ako sa braso niya. Ngayon ko lang natitigang mabuti na may itim na marka banda sa siko niya.

"Kung ganun. Hindi ikaw ang hinahanap ko."mahina kong bulong.

Gayunpaman, mapapanatag akong tama nga ako ng hula kapag nagkausap na kami ni Claud. Ang update niya ang pagbabasehan ko.

"Huh? Anong sabi mo?"naka-kunot noo niyang tanong.

Bahagyang manlaki ang mga mata ko doon. Hindi ko expected na maririnig niya yun.

"Ah, ibig kong sabihin. Gabi na umuwi na tayo."pag iiba ko ng usapan sabay tawa ng pilit.

Bumuga siya ng hangin sabay tango.

"Pasensya na. Ang drama ko."

Umiling ako at tumayo na sa pagkakaupo. Nakangiti kong inilahad sa kaniya ang kanang kamay ko. Tinnaggap niya naman agad ito at tumayo na rin.

"Pero alam mo. Kahit nagsinungaling sa akin si Daddy. Madali ko siyang napatawad. Kasi malaki ang nagawa niya kaya nandito ako ngayon. SiVander, hindi ko mapapatawad."

Nagsimula na kaming maglakad palapit sa kotseng nakaparada sa malapit.

"Paano yung mga tunay mong magulang?"bigla kong na itanong.

"Magkasunuran silang namatay na sila last year."

Nakita ko ang paglungkot ng kaniyang mukha sa na sabi.

"Sorry sa pagtatanong."

Mabilis siyang umiling.

"Wala yun."

Ngumiti lang ako ng tipid. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makasakay na ng sasakyan. Mabilis ko ng pinaharurot ito paalis. Habang siya ay nasa tabi ko. Napangiwi ako ng masulyapang pasado alas dyes na ng gabi.

"Nakaka-guilty tuloy."narinig kong sabi niya.

"Hmm?"tanong ko na ang tingin ay nanatili sa kalsada.

"Inaway ko pa si Red kanina. Pinagtanggol ko pa si Vander. Pero ang Gagong yun. Dakila palang manloloko."

Kung ako ang nasa posisyon niya ay baka ma-guilty rin ako. Lalo na at kapatid ko yung inaway ko para lang sa isang taong inaakala kong matino. Buti nalang sa ngayon ay hindi pa naman kami nag aaway ni Ace ng matindi.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें