Hinampas ko ang paa niya bago naupo sa tabi niya. "Papunta na daw."

"O, e, ano na namang drama mo ngayon?"

Umiling ako at tumawa. "Wala lang, namiss ko lang kayo."

"Gagamitin mo pa kami. Sige lokohin lang natin ang mga sarili natin."

I loured and rolled my eyes. Parehas kaming dalawang may hindi magandang napagdadaanan kaya talagang nagkakasundo kami ngayon.

"Oo, miss mo na si Argon. Si Argon na iniwan ka dahil sa kagagawan mo." She frankly said.

Suminghap ako at malungkot na ngumiti.

"Kamusta ang mga magaganda pero sawi kong kaibigan?"

Blanche walk towards us and sat on Bethyl's lap without asking for her permission.

Napangiwi si Bethyl sa bigat ni Blanche. "Alis nga! Akala mo ba magaan ka?"

"Magpakandong ka doon sa Koreano mong hilaw kung ayaw mo doon, kay chikinini na lang," inis na sabi ni Bethyl bago tinulak si Blanche paalis sa kandungan niya. Umupo ako sa lapag para makaupo si Blanche sa sofa.

"Ayan, hindi ka na nahiya sa may-ari ng bahay. Umupo sa lapag ng dahil sa' yo."

"I love you talaga, Samm," she chuckled that made my face crumbled.

"Kadiri ah," I frowned.

"Ang aarte niyo!"

"Mas maarte ang Koreano mo," ganti ni Bethyl.

"Nasaan ang alak? Inom na inom na ako." ani Bethyl nang mapagod sila sa kaka-asaran.

"Finally! Makakatikim din ulit ng alak!"

Naglapag ako ng tatlong malalaking bote ng red horse sa harap nila at tumawa sa nakangiwi nilang mukha.

"Akala ko pang-sosyal na alak. Ang hirap mo naman Samm!" Bethyl complaints.

"Nagtitipid ako, magpapakasal na ako bukas."

"Kanino? Sa kompanya mo?"

"Hindi, sa sarili ko."

The two of them laugh after hearing my ridiculous statement.

"Akala ko kay Argon," sabi niya na nagpahinto sa halakhak ko.

"Salamat sa pagpapaalala, Pedro."

She grimaced and look away. "Salamat, Argon."

"Ang tagal na Samm, 'di ka parin nakakamove on? Nakailang palit ng babae na ba si Argon? Ikaw? Kamusta ang buhay pag-ibig?" She added.

"Tigilan mo nga si Samm, Bethyl. Akala mo naman may nobyo ka kung magsalita."

Umaktong nasasaktan si Bethyl at eksaheradang humawak sa bibig.

"E'di ikaw na mayroon," singhal niya.

"Kung pinakasalan mo na kasi noon e'di sana masaya ka na ngayon," ani Blanche na nagpasimangot sa akin.

"Kung ginawa ko iyon, baka mas lalo na kaming sira ngayon."

For the past five years... I've learn to know the true meaning of marriage. Nawala lahat ng maling nasa utak ko noon at napalitan ng mga bagong paniniwala. Ang kaso nga lang, wala na ang taong gusto kong pakasalan kung nagkataon.

"Kung sinabi mo sanang maghintay siya e'di sana..."

Agad kong pinutol ang sinasabi ni Blanche. "Enough with the sana. Tapos na. Hindi na pwedeng palikan kasi tapos na. Past na. Noon." I firmly uttered.

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now