35 | Payment

34 6 3
                                    

Chapter 35


"Good morning class! My name is Hannabella Amodia. I will be your adviser for this school year. I welcome you to your 3rd year of junior high." Nagkaniya-kaniyang palakpakan ang mga estudyanteng nakaupo sa kani-kanilang mga silya. Napakatahimik ng lahat dahil sa simula pa lamang ito ng bagong taon sa skwela at hindi pa lubos na magkakakilala ang lahat.

Ngunit mayroon namang iba na nagpapakilala sa isa't-isa at bahagyang nag-uusap na upang mawala ang ilangan.

"Okay class, for this year ay alam naman natin ang bagong patakaran ng ating paaralan. Eto ay ang bagong programa na makapagbibigay sa atin ng kaalaman sa ibang lengwahe, lalo na ang lengwaheng ito ay may kakaunting pagkakatulad sa atin, kaya marahil ay madali lang itong matutunan. Ang programang ito ay tinatawag na 'Special Program Foreign Language'". Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ma'am. Alam naman siguro ng lahat ang tungkol dito ngunit inulit ito ng guro.

"At ayon nga--" natigil ang guro sa pagsasalita nang mahagip sa kaniyang mata ang babaeng nakatayo at nakayuko sa labas mismo ng pintuan ng classroom. Agad niyang binaba ang kaniyang nakalahad na kamay dahil sa pagpapaliwanag kanina at tinungo ang kinatatayuan ng babae.

"Excuse me, miss?" Tila nagulat pa ang babae at unti-unting umatras habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa gurong takang-taka rin sa kaniyang ekspresiyon.

"Nawawala ka ba?" Tanong ng guro pero mas lalo lang na napaatras ang babae at napailing ng mabilis na tila natataranta. Mahigpit ang hawak sa strap ng kaniyamg shoulder bag at tila anong oras ay gusto nang umiyak.

"Hey, don't be scared. Isa akong guro. What can I help you?" tila ba natauhan ang babae base sa kaniyang ekspresiyon. Unti-unting nawala ang takot sa mga mata nito at tuluyan itong lumambot at napayuko. Her hands went up and then the teacher noticed a paper she was holding. Agad naman itong kinuha ng guro at binasa. It was a letter from the principal about the girl.

"Oh, you're the transferee? Oh, halika pumasok na tayo, wag kang matakot," sabi ng guro at akmang maglalakad pabalik nang mapansing hindi sumunod ang estudyante.

"Halika na." Bumalik ang guro at akmang hahawakan nito ang pulsuan ng babae pero agad itong naibawi mula sa kaniya na lalong kinataka ng guro sa kinikilos nito.

Hindi na lamang niya inusisa at inaya nalang ang babae patungo sa loob ng classroom ng hindi lumalapit o humahawak rito at sumunod naman ito habang nakayuko parin ang ulo. Nang makapasok sila sa classroom ay tila nanginginig pa ang babae.

"Miss. Can you introduce yourself?" Tanong ng guro. Hindi naman naimik ang babae ng ilang segundo. Doon naman napuna ng guro ang pisikal na anyo ng batang babae. May kaliitan ito, nakasuot ng eyeglasses, may kahabaan rin ang kaniyang buhok at nakasuot rin siya ng pulang blaser.

"H-hel-lo. M-my n-name i-is..." Nagpatuloy sa pagsasalita ang nanginginig na babae, minsa'y hindi maintindihan ng iba ang kaniyang mga sinabi pero ipinagwalang bahala lamang nila ang bagay na iyon.

"Okay. Thank you, Miss. You can take your sit sa natitirang bakanteng mesa sa tabi ng anak ko," sabi naman ng guro. At tinuro ang katabing upuan ng batang nagngangalang Hannah Mae Amodia. Agad namang tumalima ang babae at madali itong nagpaupo.

Hell-o Where stories live. Discover now