33 | Ngiti

48 3 2
                                    

Chapter 33

Kathleen's POV

Napakainit! Parang kahit ilang segundo ka palang sa ilalim ng araw ay maluluto ka na ng buhay. Sunny side up lang ganurn. Kaya ako eto! Takbo ng takbo para hindi matagalan sa napakakainit na bukas na field. Nakasunod sa akin si Eljohn na wala ring nagawa nang magsimula akong tumakbo. Tsaka hindi ako pwede sa masyadong mainit na lugar baka matulad na naman to sa nangyari noon, baka himatayin na naman ako bigla.

Nang marating kami sa nakahilerang stalls ng mga pagkain ay agad naman kaming nakipagsiksikan sa bumabahang mga tao. Kahit ang init init! Kahit nangangamoy ng mga patay ang mga tao rito. Pwee! Mas mahihilo yata ako sa amoy ng mga to!

Naunang nakabili ng pagkain si Eljohn at saka sumunod na naman ako. Medyo nainis pa ako sa baklang nagbebenta kasi inuuna ang mga lalake. Hallu! Nanakit na mga paa namin oh! Punyeta.

"Tapos ka na?" Tanong ni Ej sa akin at saka naman ako tumango. At kailangan na naman namin dumaan sa napakainit na field bago makarating sa building ng grade 10. Hindi na kami tumakbo dahil baka matapon pa tong pinamili namin. Tinatakpan ko nalang ang mukha gamit ang mga palad ko dahil sa sobrang init. Parang sinusunog ang balat ko. Free trial ba to sa impyerno? Kasi nararamdaman ko na si Satanas eh.

Napahinto ako nang may tumamang towel sa mukha ko kaya napatingin kay Eljohn na patuloy lang sa paglalakad. Ngumiti ako at malakas na nagpasalamat sa kaniya at inilagay sa ulo ko ang towel para hindi masyadong mainitan.

Nang makarating kami sa classroom ay nakita ko ang kani-kaniyang ginagawa ang mga ito. Yung iba, ayun nakatutok ang mata sa cellphone, yung iba parang mapupunit na ang bunganga sa katatawa at katsi-tsismis. Yung iba namam ay nagsusuffer sa init ko.

"Hoy jusko! Ba't ang init-init ng panahon!" Biglang sigaw ni Shane. Alam kong may hihirit dito eh.

"Sorry, Shane." Higit sa isa ang bumanggit nun na ikinatawa ko. Sobrang kapal ng bolbol netong mga to. Sampalin ko kayo ng plantsa. At nangunguna pa talagang sumigaw si Ara na dinig na dinig ko dahil sa katabi ko lang ito.

"Hot ko kasi eh," narinig naman naming hirit ni Sweet sa may likuran na agad namang binara ni Aiko.

"Ahhh. Parang plantsa ganun?" Halos maiyak pa ang iba sa kakatawa at si Sweet naman na sumimangot at sinamaan ng tingin si Aiko at nagpatuloy nalang sa pagkain. Napailing nalang ako at napatingin nalang sa katabi kong kumakain pero nasa mga kaklase namin ng tingin habang tumatawa. Naku! Pag eto mabilaukan.

Nagulat ako nang magsimula itong umubo at parang may inaabot sa bag ko. Nang buksan ko ang bag ko ay agad niyang kinuha ang tumbler ko na ikinasimangot ko. Ayan. Tumbler ko, tumbler ng lahat. Kung nandito yun si Lyka, madadagdagan ng laway ng bunganga ng tumbler ko. Eww

"Ayan. Tawa pa," sabi ko. Napailing naman siya at ibinalik ang tumbler ko at nagpasalamat. Nagsimula narin akong kumain nang maalala ko ang isang unusual ngayon.

"Nga pala? Alam mo bakit absent si Girlie?" Tanong ko. Nakita ko naman siyang natigilan, nangunot ang noo at tila nag-isip sandali at saka umiling.

"Hindi. Wala naman siyang sinabi sa akin. Tatanungin ko si Mama Faye mamaya," nakatinging sabi niya. Close na close yan si Ara kay Faye. Nanay-nanayan niya yan dito sa loob. Makikita ko nalang iyan tuwing uwian, nakakapit kay Faye. Yakap ng yakap kasi ang sabi niya ang lambot daw kasi ni Faye, parang teddy bear. At eto namang si Faye, parang bini-baby rin itong si Ara kaya nasanay narin.

"Hayst. Hindi naman mahilig umabsent si Girlie," nasabi ko nalang.

"Hi Guys! Wassup!" Napatingin kami kay Mark John na kakarating lang at mukhamg galing sa labas. Bitbit niya pa ang kaniyang lunch box.

Hell-o Where stories live. Discover now