25 | Doubts

42 6 0
                                    

Chapter 25

Devien's POV

"May extra ka bang t-shirt, Eljohn?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko na kanina lamang ay naliligo ng pulang likido. Buti nalang at hindi nadamay ang kaniyang pantalon. Pero napakaraming dugo sa kaniyang polo shirt kaya pinapunas at pinahubad siya ng pang-itaas. Hinalungkat ko ang aking bag baka sakaling wala siyang dalang extra tshirt. Dinala ko ang bag ko sa labas dahil naglilinis ang iba sa loob. Buti nalang talaga at hindi pumasok si Ma'am ngayon dahil raw may asthma siya. Buti di niya nakita itong kamalas malas na nangyari unang araw palang ng pasok sa bagong taon.

"Eljohn! Bag mo oh!" Napalingon kami kay Aiko na sumilip sa nakasiradong pinto habang inaabot ang bag ni Eljohn. "Kunin mo na, alam mo namang ang bigat bigat ng bag mo eh." Agad namang inabot ni Eljohn ang bag niya at inilagay sa sahig.

"Salamat," mahinang sabi niya. "Kakasimula palang ng araw at taon, minamalas na ako," sabi niya at saka napailing. Hinahalungkat ang laman ng kaniyang bag.

"Wag ka ngang magsalita ng ganiyan, at saka wag ka na ring sumimangot. Kaya ka minamalas eh," sabi ko na nagpasama ng tingin niya sa amin. Natawa ako sa reaksiyon niya. "Smile ka na lang para hindi ka lapitan mg kamasalan. Hmm? Hindi na kita nakikitang ngumingiti netong mga nagdaang araw," sabi ko. Nang may mahalungkat akong tshirt sa bag ko ay inabot ko ito sa kaniya.

"Oh." Tiningnan niya ito ng ilang segundo bago siya umiling-iling at ibinalik ang atensiyon sa bag niya.

"Bakit?"

"May tshirt ako," sabi niya. Iba na talaga itong lalakeng to. Parang nawawalan na ng gana. Kung ano nalang rin ang iniisip. Simula noong.. nawala si... Lyka.

"Sige, bilisan mong hanapin ang tshirt mo baka kasi may makakitang teacher sayo. Naghuhubad ka dito sa labas," sabi ko. Nagkumpulan kaming lahat dito sa corridor sa harap ng classroom namin dahil hindi pa kami pinapasok ni Pres hanggang sa hindi pa nalilinis ang silid.

Nagkikwentuhan ang iba naming mga kaklase sa gilid. Si Carrene naman ay wala rito. Dinala siya sa SSG office kung nasaan ang tatay niyang SSG adviser. Doon siya pinaligo at pinaayos.  Habang eto namang si Eljohn ay sa CR na namin pinabanlaw. Yung buhok nila talaga ang kailangang pagtuunan ng pansin, mas malala nga lang si Carrene dahil syempre babae, mahaba pa buhok niya. Parang ginawang shampoo yung dugo.

"Guys wag kayong masyadong maingay. Mag nagkaklase sa katabing sections," narinig kong pagpapatahimik ni Amor sa mga kakalase namin. Ang iba'y tuluyang tumahimik pero mukhang hindi natinag ang ibang lalakeng nag-uusap sa gilid namin kaya nilapitan sila ni Amor. Nakita ko silang binatukan ni Amor kaya isa-isa silang napadaing.

"Ang sabi ko tumahimik muna kayo." Nagsikamot sila ng kanilang mga batok dahil sa nangyari. Nakita ko ang pagsimangot nila at pag-irap nila nang tumalikod si Amor.

"Ang sakit nun ah," mahinang sabi ni Hermann.

"Nagke-kwentuhan lang naman eh," nakangusong sabi ni Dave.

"Grabe tong si Amor, siya kaya batukan ko," reklamo naman ni Retlaw. Napailing nalang ako sa kanila. Ang iingay kasi kaya ayan. Napalingon ako kay Eljohn na nakapagbihis na at nakaupo sa nakatiles na corridor. Tinabihan ko siya. Nasa harap naman namin ay sina Dave John at Karlo na mukhang seryosong-seryosong nag-uusap. Hindi ko na nakikitang nakikipaghalubilo itong dalawang to. Madalas na silang magkasama at parating hawak ang isang notebook.

At yun nga, hawak hawak nila ngayon ang notebook nila. May tinuturo sila na minsan ay tinatanguan nila o kaya iniilingan. Minsan naman ay may simusulat silang kung ano. Naririnig ko sa kanila ang mga salitang 'potensiyal', 'papatay', 'malakas' o kaya 'suspects'. Hayst. Naadik na yata sila. Ano bang ginagawa nila?

Hell-o Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ