27 | Help

64 9 0
                                    

Chapter 27

Ara Jamaica's POV

"Wala pa ba?" Tanong ko kay Kathleen na nasa tabi ko at nakatunganga lang sa kaniyang cellphone. Nang sumilip ako sa kaniyang ginagawa ay napairap nalang ako. Nagchachat na naman sa kaniyang bebelabs. Sorry naman wala ako niyan! Hmmp!

"Maya nayan!" Binaba ko ang kaniyang cellphone.

"Bakit? Hindi pa naman sila nag-uumpisa," sabi niya at parang baliw na nakangiting ibinalik ang tingin sa kaniyang cellphone.

"Nagkalove-life ka lang, ganiyan ka na. Grabe ka na sa akin Kathleen ah," sabi ko saka ko siya inirapan na ikinatawa niya.

"Maghanap ka na kasi. Inereto nga sayo yung mga pinsan ni Lyka pero ayaw mo naman. Ano pang gusto mo? Mga pinsan ko? Marami rin ako. Gusto mo may Tito akong single parin," sabi niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Ano sa tingin mo sakin? Papatol sa matanda? Kasuhan ko pa siya ng child abuse eh. Ayoko ng ganiyan. Gusto ko mameet ko siya dito sa school, yung pang-wattpad." Napataas naman ang isang kilay niya sa sinabi ko.

"Yung tipong magkakabanggaan kami. Kunwari, nahulog yung mga gamit ko tapos tutulungan niya ako. Magpapakilala siya sa akin. Inabot niya sa akin ang kamay niya pero natigilan ako nang umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nung una, hindi ko pa siya makita dahil sa araw na sumasalubong sa aking paningin ngumit nang matabunan ito ng kaniyang mukha'y napatulala ako. Para siyang anghel na nahulog mula sa langit dahil sa napakagandang ngiti niya. His smiling eyes can hypnotize anyone. Parang hinihigop ng mga mata niya ang puso ko na kasalukuyang nagwawala para sa kaniya. Lumalabas sa nakakaakit niyang mga labi ang pangalan ko--- Aray!" Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang pambabatok ni Kathleen sa akin.

"Lumalala ka na. Huy! Wag ka ng mag-assume na magiging ganiyan ang love life mo. Malay mo, kapit bahay mo pala yung destiny mo o di kaya yung mga tambay sa kanto," sabi niya na ikinanguso ko.

"Masama mangarap? Hmmp!" Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa harapan kung saan nagkalat ang mga kaklase ko. I mean, nakapwesto na sila sa mga binigay na instruction ni Mark John pero wala naman silang ginagawa. Yung iba ay gumaya sa amin na umalis sa pwesto at umupo sa benches. Parang na stress na sila Mark John at Mitz sa harap dahil sila ang nagtuturo ngayon.

"Guys! Balik na kayo please." Napahilamos nalang si Mitz sa kaniyang mukha.

"Kaya hindi nakikinig kasi wala namang ginagawa si Roberto." Napalingon naman kami ni Kathleen kay Abegail nang tumabi siya sa amin na inis na inis na nakatingin kay Roberto na tumatawa at nakikipag-usap sa ibang mga lalake. Hayst. Kaya ayokong sumasali sa kanila. Kaya hindi na ako nangingialam kasi nakakalito na eh. Tapos magsisihan sa huli.

"Guys! Balik na kayo kung saan ko kayo pinuwesto kanina! Isa!" Sigaw ni Mark John kaya napairap nalang ako sa hangin at tamad na tumayo. Hinila ko pa si Kathleen na hindi maawat sa pagseselpon.

"Huy halika na, galit na si Mark John," sabi ko saka siya hinila. Inirapan nalang niya ako saka isinuksok ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. Bumalik ako sa harapan kung saan ako nakapwesto kanina. Nasa harap na naman, as usual. Sorry naman at hindi sumabay ang height ko sa edad ko no, mahuhuli daw siya ng slight. Habang si Kathleen naman ay nasa may likuran.

"Roberto!" Narinig kong sigaw ni Abegail sa harapan na parang sobrang laki na ng problema. Nakatayo lang siya sa harap, nasa bewang ang mga kamay at nakakunot ang noo. She made a gesture para papalapitin si President na agad namang lumapit.

"Ano? Sinong nanghiram ng speaker? Wala?" Medyo malakas na tanong ni Abegail na rinig na rinig ko. Iniwas ko ang tingin sa kanila na kunwaring walang naririnig.

Hell-o Donde viven las historias. Descúbrelo ahora