1 | Happy Birthday

250 15 6
                                    

Chapter 01

"Goodmorning class!" Napatingin ako sa adviser namin na pumasok dahilan para matahimik ang mga kaklase kong sobrang ingay.

"Goodmorning Ma'am Flores," masaya naming bati sa kaniya.

"So, the announcement just reached me so ngayon ko lang nasabi. I think you were all confused bakit hindi dumadating yung mga subject teacher ninyo. Your schedules this afternoon will be canceled dahil ang lahat ng teachers ay may pupuntahang meeting."

Hindi pa natatapos ang mga sinabi ni ma'am ay may marinig na akong sumigaw at yung iba ay pinipigilan ang tili at nagtatalon lamang. Naramdaman ko naman ang yugyog ng katabi ko sa akin.

"Lyka! Makakagala tayo!" Ara Jamaica Bagacay, bestfriend ko na sobrang excited dahil sa news na sinabi ni Ma'am. Well? Sino bang hindi masisiyahan?

"Guys! Tahimik muna!" Sigaw ng aming peace officer na si Lynn Bersabal. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin dahil kilala namin si Lynn bilang pinakamaingay sa classroom at siya pa talaga ang napagtripan naming gawing peace officer.

"But you can't just go outside. Mananatili kayo dito sa loob ng school." Napasimangot ang lahat dahil sa sinabi ni ma'am.

Dito lang kami?! Nakakabagot kaya dito? Ano namang gagawin namin?

"Ano naman ang gagawin namin dito? Maghahabul-habulan? Tsk"

"Mabubulok yata tayo dito sa loob"

"I can't do anything pero makakabuti naman iyon sa inyo at baka kung saan-saan pa kayo mapadpad. Any questions? Bago ako umalis kasi hahabol pa ako sa meeting," sabi ni Ma'am habang paulit-ulit na tiningnan ang relo.

Napatingin si Ma'am sa left row. Bale hinati kasi kami sa dalawa, yung right side at left side kaya mukhang may runway sa gitna.

"Yes? Mr. Roberto? You have questions?" Tanong ni ma'am. Roberto Tagalog, The President.

"Ahm, wala naman Ma'am. Birthday po kasi ni Lyka ngayon!" Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa sinigaw niya. Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Okay. Let's sing happy birthday!" Nagsimulang kumanta ang mga kaklase ko na ikinangiti ko. We've been classmates since last year kaya medyo close ako sa kanila.

Happy birthday to you!

Happy birthday to you!

Happy birthday! Happy birthday!

Happy birthday..

Happy birthday to youuuuu ~

"Happy birthday Lyka! How old are you now?" Parang mga batang tanong nila sa akin.

"15 na ako!" Masaya kong sigaw sa kanila.

"Matanda ka na Lyka! Malapit ka nang mag 20!" Sinamaan ko ng tingin si Ara na nasa tabi ko. Itong babaeng to akala mo naman ilang taon ang agwat namin, eh 1 year lang naman. Kung tutuusin mas matanda pa nga siya sa akin eh, siya ang malapit nang mag-20!

"Whoooo! Pablow-out naman diyan!"

"Saan kainan mamaya?"

Natawa ako sa mga pinagsasabi nila. Ang iba sa mga classmate ko ay lumapit sa akin upang batiin ako ng personal.

"Happy birthday Lyka!" bati sa akin ni Kyte Malasaga, na katabi ko this quarter. Ang cute talaga ang babaeng to at ang ang sarap pisilin ang pisngi. Nakakagigil eh. Magaling siyang mag-english kaya siya translator ko kapag english time eh, palagi kasing nagbabasa ng mga english novels kaya fluent.

Hell-o Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon