26 | Sloth

59 8 0
                                    

Chapter 26

Alexia's POV

"Tara, bili tayo sa canteen." Napatingin ako kay Dave John na lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko pero agad kong binawi.

"Wait lang. Aayusin ko lang gamit ko," sabi ko. Nakatayo lang siya habang hinihintay akong matapos. Nang mailigpit ko na ang mga gamit ko ay kinuha ko na ang phone at wallet ko.

"Alexia! Saan kayo pupunta?" Narinig kong tanong ni Yna.

"Canteen," maikiling sabi ko.

"Sabay ako!" Sigaw niya. At saka naman sumunod sila Shane, Mitz, Yna na gusto ring sumama. Saan si Sat? Hindi na masyadong sumasama yun sa amin ah. Nagkibit balikat na lamang ako. Nauuna kami ni Dave John sa paglalakad, habang ang kaniyang braso ay nasa aking balikat. Pababa na sana kami pero natigilan kaming lahat sa dami ng taong nagkukumpulan sa hadgan. Nagkakagulo sila at may mga pinag-uusapan. Nagbubulungan at ang iba'y may kinukuhanan pa sa camera.

"Ano na namang nangyayari?" Mahinang tanong ni Shane sa likuran ko. Hindi ko naman makita ang kung ano man sa ibaba, ang tatangkad kasi ng mga nasa harap ko. Sorry naman.

"Sino na naman ang namatay?"

"Hala. Iba na naman?"

"Hindi lang sa kung sino! Teacher! Nakita ko iyong uniform! Pang teacher!"

"Talaga? Gumagrabe na talaga!"

"New year na new year. Akala ko naman wala na!"

Teacher? May namatay na teacher? Sino naman?

"Kailangan nating makalabas dito," narinig kong sabi ni Dave John sa akin.

"Oo nga. Gutom na ako," daing naman ni Yna sa likuran.

"Baka kung sino yung namatay!" May pag-aalalang sabi ni Mitz na sumasabay sa mga bulungan at usapan sa paligid.

"Ano ba, Mitz! Hayaan mo na! Kaya tayo nasasali sa mga isyung wala naman tayong kinalaman. Kaya rin tayo pinagbibintangan kasi kahit saang krimen ay nandoon tayo at nakikigulo! Halika na!" Hinila na ni Shane si Mitz. Hinawakan ni Dave John ang kamay ko habang nasa harap ko siya. Panay ang excuse niya para makadaan kami. Ang iba'y nagtutulakan pa kaya nahirapan pa kaming makalabas. Nang makarating kami sa harapan ay ang mga janitress at janitors ay ang pumipigil sa mga estudyanteng makalapit at pilit na tinatakpan ang isang bangkay sa mga camera na nakatutok rito.

"Bumalik kayo sa mga classroom niyo!" Sigaw ng mga nahihirapang janitor.

Nang masilayan ko ang bangkay ay napatanga ako rito. Nakita ko ang pagpasok ng isang ulo ng teacher na nakapasok sa xerox machine. Para bang pinilit pa rito ang ulo at inipit pa ng makailang beses. Halos hindi na maitsura ang mukha ng teacher na punong-puno ng dugo. May lumalabas pang mga papel mula sa loob ng machine.

"Halika na," naramdaman ko ang mataas na hila ni Dave John sa akin.

"Teka lang!" Gusto kong makita ang nangyari sa guro. Kung may koneksiyon ba ang nagpapaghamak sa amin sa pumatay sa teacher. At para malaman kung sino ang teacher na iyon.

"Hindi. Tara na! Madadamay na naman tayo diyan eh," sabi niya.

"Pero Dave John! Paano kung konektado ang pumatay sa teacher sa mga pumapatay sa mga kaklase natin?" Desperada kong tanong.

"Alexia. Kaya nga, umiwas tayo sa gulo. Maya-maya naman, kapag may makakilala sa atin diyan, tayo na agad ang sisihin," sabi ni Shane sabay tulak sa akin. Si Dave John naman na humihila sa akin papunta sa canteen.

Hell-o Où les histoires vivent. Découvrez maintenant