7 | Killer

127 13 8
                                    

Chapter 07

Jomelle's POV

Parang bumalik ang lahat sa dati, parang walang nangyari kahapon, parang walang nawala sa amin. Dating gawi, asaran, sapakan, kantahan, bonding. Parang itinatak nila sa isipan nila ang katagang 'past is past'.

Napatingin ako sa wall clock na nasa bandang likod ng classroom. 1:30. Nakita kong umalis na si Ma'am nang tahimik. Bumalik ang ingay sa klase pero nagtaka ako kung bakit parang hindi dumadating yung susunod na teacher namin. Kinalabit ko ang kaklaseng nasa harap ko. Girlie Agulto.

"Girlie, may gagawin ba tayo ngayong hapon?" Tanong ko.

"Wala yata? Hindi ko alam pero nah! Hayaan mo na, hindi naman nakamamatay yan," natawa nalang ako nang nagkibit balikat siya at ibinalik ang atensiyon sa kaniyang cellphone. Girlie is chubby at masarap rin siyang asarin sa 'R' na hindi niya maayos na maibigkas.

Napalingon naman ako sa harap pa nitong si Aidyl Thereese Edig. Busy ito sa pinapanood na vlog sa youtube. Wala na talagang ibang ginawa ang babaeng to kundi manood ng vlogs.

"Aidyl!" Tawag ko sa kaniya. Noong una'y hindi niya ako narinig at nagpatuloy lamang sa panonood. "Aidyl!" Tawag ko ulit sa kaniya. This time, napalingon na siya sa akin.

"Why?"

"May assignment ba?" Tanong ko. Tila sandali siyang nag-isip.

"Wala naman--"

Natigil siya sa pagsasalita nang may sumigaw na lalake sa labas ng aming room, at dahil open ang bintana namin ay rinig na rinig namin ang sinisigaw niya.

"Gago! May nagpakamatay dun sa CR!" Halos lahat kami'y napalingon sa kaniyang sinabi. Nagpakamatay? Sino?

"Tanga! Anong nagpakamatay? Eh may mga kutsilyo nga sa katawan eh, halata namang may pumatay," sabi naman ng kaniyang kasamang lalake na bahagya pa siyang sinapak.

Kutsilyo? Anong nangyayari? Pinatay? Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko na tila ba may pinapahiwatig. Ano na naman ang nangyayari? Jusko naman!

"Anong nangyayari?" Halos tanong ng lahat.

"Guys! Lalabas muna ako, dito nalang kayo, parang nagkakagulo sa labas," sabi ni Pres na agad namang tumakbo papalabas. Dahil matitigas ang ulo namin ay sunod-sunod kaming lumabas sa room at nag-unahan pang bumaba sa hagdan. I don't know, pero kinakabahan ako. Nagdadalawang isip akong makisiksik sa mga tsismosang mga tao dahil sa napakabilis na tibok ng puso ko. Argh!  Jomelle! Kailangan mong malaman! Tsismosa ka rin dapat!

Nakita ko ang nababahang mga tao na nagsisiksikan sa labas ng CR. Nakita ko ang mga janitors at iba pang mga teachers na pilit tinutulak papalayo ang mga estudyanteng nakikiosyoso.

Nakita kong nakikipagsiksikan rin si Pres para makapunta sa harapan at iba na rin naming mga lalakeng kaklase. Dahil ako naman itong nagtatapang-tapangan ay nakisiksik na rin. Napakahirap sumiksik sa mga amoy araw na mga estudyante. Nakakainis, ang babaho ng mga 'to!

Nang malapit na ako sa harap ay nabigla ako nang may humila sa akin papunta sa harap. Nakita ko si Peter na hinahawi at nag-e-'excuse' sa mga taong nasa unahan habang hila ako. Myghad! Hindi yata ako mamatay sa baho, mamatay yata ako sa kilig nito. Ihhhhh.

Nang makarating kami sa harap ay nakita ko si Pres na nakikipag-usap sa teacher na naroon.

"Sir, kailangan ko lang po talagang makita kung sino ang nasa loob. Sir payagan niyo na po ako," pagmamakaawa pa ni Pres.

"Ano bang titingnan mo boy? May namatay sa loob. Kilala mo ba ang namatay?" Tanong niya.

"Yun na nga po, kailangan ko pong malaman kung sino," halos umiyak na si Pres habang nakikipag-usap sa guro habang nasa likuran lang niya kami. Ako lang yata ang babaeng sumugod dito sa amin, ang strong ko pala?

Hell-o Where stories live. Discover now