2 | Messages

170 14 0
                                    

Chapter 02

Maligayang kaarawan Lyka!

     I hope you're happy in your birthday today! Wish you more blessings and birthdays to come. I hope you'll succeed in your life. Life is very hard but I know you're strong enough to fight. Love and cherrish everyone, specially those who love you so much. Keep your attitude cause that's what I always like about you. I'll be here always. Let me know if you're having a hard time so that I can fight for you. Live and be careful whereever you go. You are strong and I'm pissed haha. Over your 4 years with you, you are always there for me. Until now, I'm very much happy that I have you, and you can always rely on me.

Happy Birthday! Araw mo na.. I mean. It's your day! Enjoy!

Napangiti ako sa nabasa ko. Kanino kaya to galing? Nang sinuri ko ang buong card ay wala namang nilagay na pangalan. Baka admirer. Joke! Ang ganda ko naman para magkaroon ng admirer.

"Kanino galing?" Napabaling ang tingin ko kay Ara na lumapit sa akin.

"Hindi ko alam. Wala namang nilagay na pangalan sa loob," sabi ko. Kinuha niya ang card at saka binasa ito.

Maya-maya'y nakangisi niya akong hinarap.

"Hala may admirer ka na! Ayieeee! Sumbong kita sa kayakap mo lang kanina eh," asar niya sa akin. Napailing na lamang ako.

Natigilan lamang ako nang may lumapit sa akin.

"Happy Birthday Lyka!" Bati nito at niyakap ako. Agad naman akong nagpasalamat sa kaniya. She's Alexia Aurievet Perla, and I call her Alexia, Xia or AA. Yung itsura niya sobrang ganda, singkit yung mga mata niya, may pagkamatangos ang ilong at maputi. Eh may dugong chinese rin kasi.

Napansin niya yata ang hawak ni Ara na card kaya nakibasa rin sa laman nito. Nakita ko ang pagkunot ng mga noo niya sa habang nagbabasa.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Huh? Wala. Ang cute. You got some admirer. Ayieee," mas lalong sumingkit ang mata niya dahil sa pang-aasar niya sa akin.

"Oo nga eh. Sana akin nalang yan kasi i need inspiration ang motivation right now," madramang sabi ni Ara.

"Sinong nagbigay?" Tanong ni Alexia.

"Hindi nagpakilala eh. Secret admirer ika nga," pinupush talaga ng babaeng 'to na may secret admirer ako, anong problema neto?

"Secret admirer? Mapapagalitan ka ni fafa Eljohn niyan. Hala ka," Banta pa niya sa akin. Kung ano naman ang sinasabi ng babaeng 'to. Nagkakaintindihan pa itong dalawang babaeng nasa tabi ko.

"My gosh, Xia! Bumalik ka na doon sa bebe mo oh, naghihintay na sayo. Kung ano nalang ang sinasabi mo. Hula ko may binabasa ka na namang murder-murder, yan naaapektuhan na ng utak mo," tinulak ko pa siya ng mahina habang tinawanan ni Ara ang pinagsasabi ni Xia, tapos nag apir pa bago naghiwalay. Jusko, itong dalawang 'to.

"Patingin nga ulit," saka kinuha ni Ara ang card. Matagal niya itong tinitigan at napailing. "Nakakailig--- pero baka si Eljohn rin to! Hindi mo ba natanong sa kaniya?" natawa ako ng mahina at saka napailing.

"Hindi sa kaniya iyan. Handwritten yan and I'll know if it's his or not. Tsaka isa pa, ang ganda ng sulat kamay oh, parang binagyo kaya iyong sa kaniya," natawa ako sa sinabi ko.

"Ang sama ng babaeng 'to. Sumbong kita kay Eljohn mamaya!" Napailing nalang ako sa sinabi niya. May pagka-isip bata rin 'tong kaibigan ko.

"Kung hindi ito galing kay Eljohn, akin nalang 'to Lyka, kasi meron ka na namang sayo eh," sabi niya.

Hell-o Where stories live. Discover now