28 | Cincuenta y Tres

36 6 0
                                    

Chapter 28


Claude's POV

I was carrying my ukelele as I was walking in the corridor. Bag at my back, and a brief case that contains all my papers. The corridor is unusually quiet. Nang tingnan ko ang aking relos ay doon ko napagtantong alas 6 palang pala ng umaga. I'm so early. May dumating na kaya? I took a glance at our classroom in the second floor, a smile appeared on my lips when i saw one of my classmates, standing there, looking at me.

I tried to smile but I got no response. Masama ba umaga niya? At nang makarating ako sa hagdan ay mas lalo akong nabingi sa sobrang tahimik nito. I can hear my own footsteps as I walk. Nang makarating ako sa harap ng aming classroom ay wala na ang kaklaseng nakita ko kanina.

I walked in and I saw the person again. Nakaupo lamang ito sa sariling mesa na malapit sa akin at nakaharap sa harapan. I put my bag on my chair and waited for the person to greet goodmorning pero mukhang malabo dahil mukhang kanina pa ito wala sa mood. Hindi nalang ako nag-abalang bumati at pinaglaruan na lamang ang aking ukelele. I was just strumming and playing some good songs when I saw her stand. Napatingin ako sa kaniya na nakangiti na sa akin ngayon. Weirdly.

"Good morning, Claudine!" Masiglang bati niya.

"Morning," tanging sabi ko nalang at tumango sa kaniya. Ibinalik ko nalang ang atensiyon ko sa ukelele ko. The person sat infront of me while listening to what I'm playing.

"Teach me," sabi niya na ikinatigil ko. When I look at her face, she was smiling. Nagbibiro ba to or seryoso?

"Pardon?"

"Turuan mo ako Claudine!" Sabi niya. At agad na kinuha niya ang ukelele sa mga kamay ko at saka iniayos niya ang hawak. Nakatingin lang siya sa akin na parang batang gustong gustong matuto ng bagong bagay. Napabuntong hininga na lamang ako at itinuro sa kaniya ang iilang basic na matutunan sa ukelele.

"Nga pala Claudine. Ang aga mo naman yata ngayon?" Tanong niya sa gitna ng pagsasalita ko.

"Uh. I have a report in Filipino. First subject," sabi ko saka ko ulit iniayos ang pagkakahawak niya sa ukelele na sobrang tabingi at parang nahihirapan ito.

"Ahhh. Nagtaka kasi ako, akala ko nananaginip lang ako nung makita kita dun sa corridor," sabi niya sabay tawa.

"Panaginip talaga? Wala na ba talagang pag-asang maging punctual ako?" Natawa nalang kami pareha sa tinuran namin. Nagpatuloy siya sa pags-strum ng ukelele kahit na mali mali ang pagkakahawak nito. Hinayaan ko nalang ito saka tumingin sa labas. The sky is so gloomy. At napakalamig pa ng panahon.

"Claudine." Napakatahimik rin ng paligid kaya hindi ako sanay. Even if I really don't like it when they're noisy, namimiss ko naman sila kapag wala sila dito. I looked at the pictures placed at the opposite side of the room. Napakarami na nila. Nadagdagan na naman kahapon ng apat. Apat. Irish, Jeliamae, Carrene and Aidyl. They're one of the kindest pero bakit pati sila?

"Namimiss mo na sila?" Narinig kong tanong ng boses ng katabi ko. Wala sa sarili akong napatango habang nanatili ang tingin ko sa nakangiting picture ng matalik kong kaibigan. Hanna. I miss her. Namiss ko ang kaingayan niya. Hindi ko na naririnig ang matinis niyang boses.

"Makakasama mo na sila. Wag kang mag-aalala." Napatingin ako sa kaniya ng may bakas na pagtataka.

"Huh?"

"I mean. Wag kang mag-aalala, kahit naman wala na sila dito, alam naman nating nakabantay lang sila dito at parang kasama na rin natin siya. Hmm?" Sabi niya na ikinangiti ko. Oo. I know they're watching us now. Siguro alam na nila ang pumapatay, kung nakakapag-usap lang talaga ako sa mga kaluluwa, tatanungin ko talaga sila kung sino.

Hell-o Where stories live. Discover now