10 | A Day

91 8 9
                                    

Chapter 10

Sweetlayne's POV

Nakasaksak ang earphones sa mga tenga ko habang rinig na rinig ko ang nakakagutom na tunog ng kumakain sa cellphone. Nanonood ako ng mukbang. Naramdaman ko ang panunubig ng bagang ko.

Kumakain ang koreanang babae ng seafoods. Isang malaking crab, shrimps, lobsters, salmon, squid, at iba pa. Yung mga halimaw ko sa tiyan nagwawala na. Ba't ang sarap kumain ng babaeng 'to? Ba't hindi siya namimigay ng blessings? Ang sarap ng soups niya. GrrRr.

"Mama, nagugutom na ako," napahawak ako sa tiyan ko. I pouted at tinignan ang bebe ko, ang tiyan ko. I paused the video at tumalikod muna para kunin ang baonan ko. Isang malaking tupperware ang inilabas ko sa bag, binuksan ko ito ng may malaking ngisi. Maraming kanin, dalawang hotdog, isang manok, thighs my favorite hehe, at dalawang bacon.

Nagsimula na akong kumain at inimagine na masasarap ang kinakain ko which is masarap naman talaga. Iniimagine ko rin na kung ano ang kinakain ko ay yung kinakain rin sa video. Sarap na sarap ako habang tinitignan ang koreanang babae sa video na malakas kumain. Maganda yung babae sa video pero mas maganda ako ha! Isang malaking hairflip nga diyan.

Kinuha ko ang manok at kinagat, mmmm. Ang sherep. Isang malaking sahog ng kanin ang kinuha ko sa baonan ko at ipinasok sa bibig ko. Oh my goodness, heaven! Ang sarap talaga huhu.

Naubos ko na ang pagkain sabay ng pagkatapos ng video. Huhuhu, naluluha ako sa sherep. Pero may kulang pa, gusto ko pang kumain huhu. Hinila ko sila Girlie papuntang canteen para bumili. Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako, more like sa akin sila tumitingan. Oh my goodness, ang ganda ko talaga. Sheems, napahawi ako sa buhok ko dahil sa kagandahan ko.

Nakarating na kami sa canteen at iniwan ko na sila upang bumili. Pumunta rin si Girlie sa ibang stall para bumili ng kung ano.

"Ate pabili po. Dalawang potato plus po, isang choco mucho at isang fish crackers," napatunganga pa si ate bago ako binigyan. Ang ganda ko talaga. Binayaran ko si ate at umalis na. Naglakad na kami papuntang room at as usual pinagtitinginan na naman ako. Hays, haba ng hair problems.

Pagkarating namin sa room ay agad napunta sa akin ang atensyon ng lahat. Hays, kung maganda nga naman.

"Hoyy sino ba talaga sa inyo ang mataba? Ikaw or si Girlie?" pang-aasar ni Sarah sa amin.

"Bwisit!" singhal ko sa kanya.

"Oyyy yung totoo, nagpalit kayo ng katawan no." Napasimangot na lamang ako at saka naman lumakas ang tawanan nila. Sige! Pagtawanan niyo ako! Pag ako naging model sa Victoria Secret! 'Who u' kayo sa akin.

Inirapan ko na lamang sila. Bahala kayo diyan.

"Sweet! May naghahanap sayo!" Narinig ko ang boses ni Zejane. Ano daw? May naghahanap? Sino? Manliligaw ko? Ay sabihin mo choosy ako.

"Sino?"

"Hindi ko kilala," nagkibit balikat nalang siya at itinuro sa akin ang lalakeng nakatayo sa harap ng classroom at nakatingin sa ibang direksiyon. Nakikita ko ang tangos ng ilong niya. Ayy! Gwapo! Iba talaga pag magaganda. Lapitin.

Lumapit ako sa kaniya.

"Hi," bati ko sa kaniya na nagpakuha ng atensiyon niya. Humarap siya sa akin at saka napangiti. Ohmyghad, linamnam ulam!

Hell-o Where stories live. Discover now