38 | I Love You

44 6 2
                                    

Chapter 38

"With honor." Napakuyom ang kamao ng babaeng nakatayo sa may hagdanan. Nagdadalawang isip kung aakyat ba o hindi. Lingon ng lingon ang kaniyang upo sa iba't-ibang direksiyon na para bang natatakot siyang malapitan ng nasa paligid niya. Nang makaramdam siya ng kalabit sa kaniyang likuran ay bahagya pa siyang napatalon.

"Ikaw na," mahinang sabi ng kaklase niya kaya agad naman siyang napatango at dahan-dahang naglakad papunta sa gitna ng stage kung saan tatanggap siya ng kaniyang medalya. Recognition Day ngayon ng ikasiyam na baitang. Sa susunod na school year, pagkatapos ng summer break ay ika-sampung baitang na siya. Hindi lubos akalain ng babae na makakaya niyang makatapos ng isang school year, ng walang nanakit sa kaniya. But who knows? Baka pakitang tao lang ito ng mga ito. Sinusubukan pa nila ako hanggang sa utos-utosan na nila ako at saktan. The girl doesn't want to be bullied anymore. Dapat ay may gawin siya bago pa lahat mangyari yun. She will not let them touch her anymore.

"Congratulations." Nagising ang diwa niya nang iabot sa kaniya ang isang medalya. Tinitigan niya ito sandali.

"Wala ka bang kasama?" Tanong ng nasa harapan. Hindi niya alam ang kung sino ang nakatayo sa harapan niya. Principal? Mayor? Wala naman siyang pakialam. Hindi naman nila makukulong ang mga dapat makulong sa pananakit sa kaniya. Nang hindi siya makasagot ay naramdaman niya ang mahinang hila ng isang magaspang na kamay kaya agad siyang napaatras. Mukhang nagulat ang lalakeng nasa harapan niya na may hawak na medalya.

Nanginginig ang katawan ng babae at napansin ito ng matandang lalake kaya ngumiti siya rito.

"Ija, hindi kita sasaktan. Isusuot ko lang ang medalya mo," sabi niya. Nag-iwan ng sapat na distansiya ang lalake na ikinahinga niya ng maluwang. Yumuko lamang siya nang isuot sa kaniya ang medalya. Pagkatapos itong isuot at nagawa pa ng babaeng hawakan at damhin ito.

This is useless. Wala siyang mapagbibigyan nito. Wala siyang Ina sumusuporta sa kaniya. But she doesn't need one. Kaya niyang mabuhay ng walang magulang.

Nang bumaba ang babae sa stage ay hindi na siya bumalik sa kaniyang upuan. Dumiretso siya sa labas ng gymnasium at umupo sa upuan na nasa labas. Walang tao sa labas dahil sobra init at hindi pa naman tapos ang recognition ceremony kaya napaupo siya ng matiwasay.

"Hi." Naging alerto ang babae at agad na napalingon sa bumati sa kaniya. Nakita niya ang isang may kaedarang babae na ang hula niya'y isang guro. Pero walang pakialam ang babae at hindi ito binati pabalik sa halip ay ibinaling na lamang sa ibang direksiyon ang tingin.

"Hi. Para sayo." Bumungad sa kaniyang paningin ang isang bottled juice na iniabot ng babae. "Atsaka, ito rin." Inabot niya rin ang isang choco mucho. Nangunot ang noo ng babae at nagtaka dahil sa ginagawa ng guro.

"No, thanks," sabi ng babae.

"Nakita kita kanina. Alam kong kinakabahan ka, kaya sige na, kainin mo na to," pilit niya at mas lalong inilapit ang pagkain sa mukha ng babae.

"Hindi ako tumatanggap ng pagkain sa iba. Malay mo may lason yan," sabi ng babae.

"Huh? Bakit ko naman gagawin yun? Tsaka nakita kong wala kang kasama kanina sa stage. Sana sinabi mo, pwede namang ako nalang," nagtaka ang babae sa sinabi ng matanda.

"Bakit ko naman gagawin yun? I don't even know you," sagot niya rito.

"Edi. Ako nalang magiging Mama mo," sabi niya habang nakangiti. Mukhang nainis naman ang babae kaya napatayo siya at akmang aalis na nang magsalita ulit ang matanda.

Hell-o Where stories live. Discover now