19 | Public Display of Affection

99 8 10
                                    

Chapter 19

Sat's POV

"Okay. Class dismissed."

Nang marinig ang magic word ng math teacher namin na siya namang huling subject sa umaga ay agad nagsitayuan ang mga kaklase ko. Ang iba'y nagsihawakan sa kanilang mga tiyan at nagrereklamo dahil sa gutom. Ang iba'y nakamukmok dahil sa topic namin ngayon. Burado na ang isip namin, idagdag mo pa ang mga letra sa mathematics. Grr.

Ang kalahati sa aming mga kaklase ay umalis para bumili ng kanilang ulam sa field. May patakaran kasi dito sa school na 'one-in-one-out', ibig sabihin ay hindi kami maaaring lumabas sa lunch break at tanging makakalabas lang kami kapag uwian na. Tuwing lunch break ay maraming stalls na tinatayo sa field para makabili kami ng pagkain.

"Sat. Bibili ka?" Tanong ni Girlie sa akin. Tiningnan ko muna ang mga kaibigan ko na nasa kabilang row na busy sa kani-kanilang mga cellphone at wala yatang balak kumain.

"Sama ako," sabi ko na lamang. Nang mapadaan ako kila Shane ay nakita kong nanonood siya ng kdrama kasama si Jeliamae na kadalasan naming tinatawag na 'Yamie'.

"Shane? Bili kayo?" Tanong ko pero mukhang wala yata siyang naririnig kasi hindi man lang tumango o ano.
Ibinaling ko nalang ang aking tingin kila Yna na busy rin sa kani-kaniyang cellphone.

"Yna."

Nang lingunin niya ako ay agad kong tinanong sa kaniya ang kaparehas na tanong kay Shane pero iling lang ang natanggap ko.

"Tingin ko bumili na si Mitz kasama sina Hanna Bee? At si Alexia naman ay sumama yata kay Dave John? Hindi ko alam kung san papunta," sabi niya saka nagkibit balikat at ibinalik ang atensiyon sa kaniyang telepono. Nagkibit balikat nalang rin ako saka sumunod kay Girlie na kanina pa ako tinatawag. Kasama namin sina Aidyl, Kathleen, at Eljohn.

"Sasabay ka sa amin kakain Sat?" Tanong ni Girlie sa akin. Nag-isip ako sandali at naalala ang kani-kaniyang ginagawa ng mga barkada.

"Hindi ko alam." Natahimik ang lahat at walang nagsalita hanggang sa makarating na kami sa mga stalls. Tiningnan ko ang iba't-ibang luto. Puro karne? Puro talaga karne ang binebenta nila kasi mas maraming naghahanap at kumakain ng karne. Nang makakita ako ng isang stall na may gulay ay agad akong humiwalay sa kanila.

Nang makita ko ang mga iba't-ibang klaseng gulay ay nagliwanag ang mga mata ko. Wah. It's better to eat gulay para healthy hindi katulad ni Shane na hindi talaga kumakain ng kahit anong berde. Ayaw kumain ng gulay, ayaw nga rin kumain ng prutas. Yung mango float na gawa ng Mama niya, hindi siya kumain kaya ayun, tinanggalan ng Mama niya ng mangga kaya hindi na siya mango float. Float nalang.

"Anong sa iyo?" Tanong ng nagbebenta sa akin kaya napabalik ako sa aking huwisyo.

"Pakbet po, magkano?" Tanong ko.

"20 pesos."

"Isa po," sabi ko. Ibinigay niya ang supot at saka ko naman ibinigay ang bayad ko. Napalinga ako sa paligid para hanapin ang kinaroroonan nila Girlie. Nakita ko sila sa gilid at nakasilong dahil sa init ng panahon. Agad akong tumakbo papunta sa kanila. Nang makita nila ako'y nagsimula na silang maglakad at saka ko sila sinabayan.

"Anong binili mo Sat?" Tanong ni Aidyl.

"Pakbet."

"Ha? May pakbet pala silang binebenta? Sayang," daing ni Kathleen.

"Puro kasi noodles yang nasa utak niyo, araw-araw ko na kayong nakikitang kumakain niyan ah," sabi ko sa kanila.

"Nakakasira yan ng katawan," sabat naman ni Eljohn kaya napatango nalang ako.

Hell-o Where stories live. Discover now