32 | Delivery

35 5 3
                                    

Chapter 32

Dave John's POV

I was just sitting still on my chair. Nakasandal. Habang nakatingin sa labas kung saan dumadaan ang mga estudyanteng nagsisilakaraan. Everyone was so busy-- gossiping about the new accident. New murder inside our school. Hindi ko maiwasang mapansing ang paglingon ng mga dumadaan sa classroom namin sabay bulong sa mga kausap nito. I can't help but to clench my fist.

Ano? Kami na naman? Kami na nga itong nabibiktima! Kami na nga itong nawawalan pero parang kami pa itong nagmumukhang masama! Tangina naman kase! Wala naman siyang kasalanan! She never knew anything! I did everything para hindi siya madamay! Nilalayo ko siya sa mga topic na may kinalaman sa mga nangyayari sa amin! Kasi hindi ko siya gustong madamay! Kahit alam ko na curious na curious na siya! Kahit gusto na niyang mangialam sa ginawa ko pero hindi ko siya hinayaan! At ngayon?! Sasabihin niyo sa akin?! Na may punatay sa kaniya?! Na makikita ko nalang siyang walang buhay na nakahiga sa loob ng CR!

"Arrghhh!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasipa ko ang nasa harapan kong silya. Naramdaman ko naman ang pagkagulat nila sa ginawa ko! I can feel their stares at me pero wala akong pakialam!

I ruffled my hair because of frustration. Nasuntok ko pa ng paulit-ulit ang mesang nakakabit sa inuupuan ko. I punch and punch until i get satisfied but i know I will never be. I will never be satisfied until I get to kill whoever killed my Alexia.

Pinagpatuloy ko ang pagsuntok hanggang sa naramdaman ko ang mahigpit na hawak ng kung sinoman sa aking pulso. Nang tingnan ko kung sino ito ay mas lalong nanaig ang galit sa puso ko nang makita ko ang mukha nito.

"Tama na!" Tangina.

Natawa ako sa sinabi niya. I got off my seat at saka hinarap siya.

"You're telling me to stop? Paano? Sabihin mo! Paano?! Kasi punyeta! Wala ka namang ginagawa eh! Puro ka satsat! Daldal! Pero wala ka namang ginagawa eh! Hinahayaan mo nalang kaming mamatay isa-isa! Kasalanan mo lahat to!" Hindi ko na napigilanang sarili ko at pinagtuturo siya.

"Dave John Ares! Wag mong hayaang kainin ng galit ang puso mo! Hindi mo alam ang sinasabi mo--"

"Alam ko! I am sane! Hindi mo ako kailangang turuan ng paraan para hindi lamunin ng galit ang puso ko! Kasi kahit hindi ako nagagalit ngayon! Ikaw parin ang sisisihin ko sa lahat ng nangyayari ngayon!" Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko. Nakita kong nagpipigil lamang siya sa mga salita niya. Pwes! Gusto kong sabihin niya lahat!

"Ano?! Bakit ayaw mong sumagot!"

"Ginawa ko lahat!" Biglang sigaw niya. "Lahat ng kaya kong gawin! Para maprotektahan ko kayong lahat! Pero napakarami niyo! Hindi sa lahat ng oras nandodoon ako! Kaya pinilit kong makita kayo lahat! Pero hindi ko kaya!" His voice broke and I saw him lower his head. His shoulders are shaking at naririnig ko na ang hikbi nito. Nakaikot na sa amin ang mga kaklase ko at nagbigay ng iba-ibang klase ng tingin.

"I'm sorry."

"But I saw the texts," sabi ko na nagpatigil sa kaniya. I saw how he stiffen and how his body got tensed.

"What texts?" Lumapit si Karlo sa amin ng nakakunot ang noo. Puno ng pagtataka ang mukha niya habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Nakita ko rin ang pagbigay ng interes ng iba naming kaklase sa amin.

"Yung mga text na natanggap mo Roberto. Ba't di mo sinabi sa amin? What at are you hiding?" Tanong ko. Nakita kong pinaglalaruan na niya ang kaniyang mga daliri bago itinaas ang tingin sa amin.

"Kasi--"

"I saw it too, Pres. Yung araw na namatay si Bush at Lyka. It was last year pero hindi ko yun makakalimutan. Nagbabanta siya sayo. It was from an unknown number. Hindi ko man nabasa lahat pero alam kong madami kang natatangap mula sa taomg yun," pagsasabat ni Amor kay Roberto. Lumapit na siya sa tabi ko. Tahimik ang lahat at naghihintay lamang ng sagot at kalinawan mula sa Presidente.

Hell-o Where stories live. Discover now