31 | Claws

65 6 6
                                    

Chapter 31


Sat's POV

"Ba't sobrang mapanakit and series natoooo?! Maldo andwaee. Sila ang ship ko!" Nakatakip ang panyo sa ilong at sa bibig ko habang nanonood ako ng kdrama. Patuloy na tumutulo ang luha ko habang nagrereklamo sa nangyayari rito. Eh kasi naman ehhh, deserve nilaaa, ano toooo? Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana? Ayoko ng ganito!! Mas ship ko pa sila kaysa sa leading man! Noooooo.

Patuloy lang ang pagsinghot singhot ko nang may marinig akong tawa mula sa likuran ko. Napalingon ako roon at nakita si Dave na pinipigilan ang tawa at nakatakip pa ang kamay sa bibig. Binigyan ko siya ng isang masamang tingin kaya mas lalo siyang natawa.

"Ano?" Masungit kong tanong.

"Wala lang. Nakakatawa ka kasi. Ang panget mo pala pag umiiyak," pang-aasar niya kaya muntik ko pang mabato sa kaniya ang cellphone ko kaya lang naalala ko, mahal to. At mahal ko pa ang buhay ko para mamatay sa sermon at kurot ni Mama.

"Walang basagan ng trip," nasabi ko nalang at ibinaling ang atensiyon sa pinapanood ko. Binalik ko oa ito dahil wala na akong naiintindihan dahil sa kumag na yun.

"Ano ba iyang pinapanood mo?" Tigas ng bungo ng isang to.

"Hotel Del Luna."

"Talaga? Anong episode ka na?" Grrr. Di talaga titigil ang isang 'to.

"Second to the last episode," sabi ko habang pinapatuloy parin ang pagpupunas sa tumutulong luha sa mga mata ko. Bwiset to. Tumutulo na sipon ko.

"Talaga? Alam mo kung anong nangyari sa last epi--"

"Dave, ano ba! Wag kang maingay! Wag kang spoiler! Wag kang epal." Idiniin ko pa ang mga salitang iyon dahil sa hotel at nagkita ulit sila ni Chan Sung pagkatapos niyang pumasok sa tunnel papunta doon sa may tulay. Nagkita pa sila ni Chung Myung doon na ikinaiyak ko ng sobra. Hutek. San ang hustisiya. No offense kay Chan Sung pero mas bet ko talaga si Chung Myung para kay Man Wol. Imagine. Ilandaang taon siyang palaging nandoon sa tabi ni Man Wol tapos iba pala makakatuluyan niya? Saan. Ang. Hustisya.

Gigil na po akooo.

"Mukha kang tanga." hala ampu--

"Alis ka nga," masungit na sabi ko at ibinalik ang atensiyon sa cellphone ko.

Naramdaman ko siyang tumabi sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tahimik lang siya nanonood sa tabi ko kaya maya-maya'y naawa na ako. Tinanggal ko ang earphone na nasa kaliwang tenga ko at ibinigay sa kaniya. Nakita ko pa siyang nagulat sa ginawa ko pero agad na ring tinanggap at nakangiting isinaksak sa kaniyang tenga. Lumapit ako ng bahagya sa kaniya upang makakita siya ng maayos.

Ilang minuto rin kaming tutok sa pinapanood namin na hindi na namin napansin ang oras. Hanggang sa natapos namin ang isang episode.

"Last episode na tayo!" Masayang sabi ko at hinanap sa files ang huling episode sa phone ko. Habang naghahanap ay narinig ko naman ang mga sinasabi ng mga lalake sa likod.

"May isang hindi na torpe." Narinig ko pa silang tumawa pero hindi ko ila pinansin at napairap na lamang sa harap ng cellphone ko. Pero nakita ko naman ang paglingon ni Dave sa kanila sabay taas ng kamay at pagmumura.

Hell-o حيث تعيش القصص. اكتشف الآن