21 | Pictures

62 9 0
                                    

Chapter 21


Zejane's POV

"Zejane!" Pagkababang pagkababa ko sa sinasakyan kong motor ay agad kong narinig ang isang malakas na sigaw ng pangalan ko. Nasa labas palang ako ng gate at alas 6 palang ng umaga kaya kakaunti palang ang mga estudyante. Napalinga-linga ako dahil doon sa tumatawag sa akin.

"Hoy!" Napabaling ako sa aking gilid at nakita ko si Roberto na papalapit sa akin. Nakangiti siya at nakasuot ang kaniyang eyeglasses. Hawak hawak niya ang kaniyang cellphone.

"Good morning," bati ko sa kaniya. Sabay kaming naglakad papasok sa gate.

"Good morning," pabalik niyang bati sa akin. Naging tahimik kami sandali dahil sa walang mabuong mapag-usapan. Naglakad lang kami sa kahabaan ng hallway papunta sa likurang building kung saan ang aming room.

"May assignment ba tayo?" Walang nakong maitanong rito kaya nagtananong lamang ako ng assignment kahit alam ko namang wala.

"Huh? Wala," napabuntong hininga siya bago niya itinuloy ang sinasabi. "Alam mo namang wala na masyadong pumapasok sa room natin, yung last nga kahapon ay si Sir Babs tapos hindi na nasundan pa. Alam mo naman yung mga subject teachers natin, mukhang hindi na pinapupunta sa atin ang mga practice teachers kasi pinagsasalitaan na tayo ng masama," sabi niya. Ginulo niya ang kaniyang buhok dahil sa kaguluhan. Hindi nito mawari ang nararamdaman. Siguro sobrang hirap sa kaniya ang mga nangyayari sa amin kasi syempre, ikaw ang President tapos hindi mo pa alam ang gagawin kasi napakademonyo na ng gumagawa ng mga pagpapatay sa amin. Iniisa na kami. Ano bang kinagagalit nila sa amin? Tsk.

"Kausapin kaya natin yung mga teachers?" Suhestiyon ko.

"Hindi rin pwede. Mas lalo silang matatakot sa atin, hindi pa nakakatulong ang mga sinasabi ng ibang mga estudyante sa atin. Na nasa loob daw ng classroom ang pumapatay, na masama daw tayo lahat, na kapag may pumasok daw sa room natin eh papatayin natin, tingin mo anong magiging reaksiyon ng mga teachers?" Tanong niya. Tulala siyang napatingin sa unahan habang sabay kaming naglalakad.

"Eh kung sa Principal? Alam naman nilang may nangyayari nang hindi maganda dito sa loob bakit wala parin silang ginagawa President?" Tanong ko.

Sumunod ang ilang segundong katahimikan bago nasagot ni President ang tanong ko sa kaniya. Napatikhim siya ng bahagya bago nagsalita.

"Sinabi ko na iyan kay Ma'am, pero ang tanging sabi niya ay ginagawa na raw ng Principal ang lahat."

"Na ano? Na pagtakpan?" Nakaramdam ako ng galit sa loob ko dahil doon. Ano bang pinoprotektahan ng skwelahan na ito kaya ayaw nilang lumabas ang ganitong isyu?

"President! Isa-isa na tayong namamatay alam mo ba yun? Tapos uunahin pa nilang pagtakpan ang reputasiyon ng putanginang skwelahan nato bago yung mga buhay natin? Ano? Ikaw! Bakit wala kang ginagawa--"

"Zejane! Wala tayong magagawa! Ang kailangan nalang nating gawin ay mag-ingat sa kung sino man ang gumagawa nito!"

Natawa ako sa sinabi niya. Napakawalang kwenta. Ano to? Joke ba tong buhay namin para ipasintabi muna?

"Punyetang nag-iingat yan President!" Umalingaw-ngaw ang boses ko sa kahabaan ng hallway. Ang ibang estudyanteng naglalakad ay napatingin sa amin. Halos sa naglalakad at papunta sa Grade 9 building kaya marahil ay wala silang alam sa pinag-uusapan namin.

"Ilang beses na bang sinabi yan? Mag-ingat? Kahit anong pag-iingat-- kung tanga ka? Tanga ka! Tanga na magtiwala kahit sino! Tanga tayong lahat kasi alam naman nating nasa loob lang ang pumapatay pero nagbubulag-bulagan lang tayo at hindi pinakikinggan ang sinasabi ng iba!" Hindi ko na napigilan ang sumisiklab ng damdamin ko. Napakarami komg inipon. Naging tahimik ako sa nangyayari netong nakaraang araw, ilan nalang ba kami? 35? 36? 

Hell-o Onde histórias criam vida. Descubra agora