15 | Booth

113 10 14
                                    

Chapter 15

Aiko' POV

Bwiset! Nakakasira ng araw. Umagang-umaga.

"Aiko. Lagyan na natin ng make-up yang mukha mo," tawag sa akin ni Devien sa may di kalayuan.

"Mamaya na. Unahin mo nalang ang iba diyan," nakasimangot kong sabi sa kaniya. Tumango na lamang siya at tinawag ang ibang mag-aaswang para sa booth, para mamake-up-an na.

Nakakabwisit kasi eh. Hindi ko na kasalanan kung hindi nila gusto ang ugali ko, na masyadong matalas ang dila ko. Ako pa ba ang maadjust? Ako pa ba ang mag-aanghel para sa kanila? Well, sorry, ipinanganak akong ganito eh, sila dapat ang mag-aadjust para sakin.

Nakaupo lang ako sa upuan sa harap ng classroom na gagamitin namin. Nasa Grade 8 building kami at naghahanda para sa gagawin naming booth. Mag-isa lamang akong nakaupo habang binabaling ang tingin sa ibang direksiyon. Muntik ko pang mairapan ang grupong nakaupo sa may di kalayuan at nagmamake-up.

Tsk. Dinadamay pa ang iba naming kaibigan. Wala namang ginagawa sa akin sina Devien, Aidyl, Hannah Mae, Kyte, Sweet at Eljohn na hanggang ngayon ay sobrang tahimik di katulad ng iba diyan na kung ano nalang ang sinasabi sa akin.

"Aikiiiieee! Magpamake-up ka na kay Devien," narinig kong sigaw kaya napalingon ako sa babaeng nakangiting tumatakbo papunta sa akin.

"Maya na," simple kong sagot. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa braso ko. Bumalik na yata ang energy ng babaeng to? Himala.

"Maya-maya matatapos rin nila ang pagdedecorate sa loob. Sige, magsisimula na yan," pamimilit niya sa akin. Pero imbes na lumapit ako kay Devien na nasa grupo sa kabila ay nilapitan ko si Carrene na nagmimix ng pintura. Tama. Pintura yung ginagamit nila.

"Carrene, palagay ako sa mukha," sabi ko.

"Okaaay," masigla niyang sagot. Kinuha niya ang brush na nakahiga lang roon at saka nagsimula ng kulayan ang aking mukha. Nakapikit lang ako the whole time, hindi alintana ang masayang sigawan at tawanan ng grupong hindi kalayuan sa amin. Tsk. Saya. Sana all.

"Aiko, okay na!" Ibinuka ko na ang mga mata ko at tumingin sa salamin. Mas marami ang kulay dugo sa mukha ko, mukha siyang kagagaling ko lang sa aksidente na punong-puno ng dugo mula sa ulo. I smiled creepily.

"Hoy Aiko! Huwag ka ngang ngumiti ng ganiyan!" saway ni Carrene sa akin. Tsk. So OA. Blood are awesome. Red looks so good.

"Grabe Aiko, hindi ko na susubukang pumasok, ikaw pa nga lang nakakasalubong ko mahihimatay na yata ako," nakasimngot na sabi ni Ara. Well, speaking of mamamatay, marami naman na, magugulat pa ba ako kung may mamamatay na naman mamaya? Eh hindi na yata ako magugulat kung may nakarutok ng kutsilyo sa leeg ko.

"Guys! Tapos na ang design kaya lang medyo hindi maayos kasi nga biglaan naman nilang sinasabi kahapon na gagawa tayo ng booth kaya hindi agad nakapaghanda ng bonga" paliwanag ni Melle sa harapan. Nang tiningnan ko ang ginawala nila ay walang kahit anong lumabas na reaksiyon sa mukha ko. Okay..

Nilagyan lang nila ng lubid sa buong paligid bilang traps? At mga malalaking teddy bears na parang kahit anong oras ay mapuputulan na ng ulo. Kinulayan rin nila ito na nagmistulang dugo, sa ulo sa labi at ibang parte ng katawan nito.

"Dave! Dito ka sa entrance. Kailangan pagpasok ng costumer ay tanggalin mo yang nakatabon sa iyong tela at takutin mo sila," tumango si Dave ngunit agad namang sumabat si Nethanel.

"Hindi na kailangang um-effort ni Dave. Matatakot na lahat kahit magpoker face pa siya." Agad namang umambang batukan ni Dave si Nethanel. Children.

Hell-o Where stories live. Discover now