Note

18 1 0
                                    

Salamat kasi nakarating ka hanggang dito :)

Hindi ko talaga akalain na matatapos ko ang pagsusulat sa kuwento nina Kerby at Thea. Ang sabi ko kasi noon ay dapat tapos ko na 'to bago pa man mag-May, kaya lang hindi nasunod. Hehe. #scammer

Anyway, salamat sa mga silent readers ko diyan. Kaway-kaway! Masaya ako na mayroong nagbabasa nitong gawa ko. Masaya ako na kahit papaano ay may nararating ito.

Ang orihinal na plano ko sa storyang ito ay maging si Kerby at Thea sa huli. Tipong happy ending at typical teen fic story. Iniba ko siya hanggang sa napunta ako sa concept na gawin kong panaginip.

Sa school kasi namin, kada role play, panaginip ang ending. Ayan tuloy, ginawa ko rin 'tong literal na panaginip XD.

Sana may napulot kayong aral sa kuwentong 'to kahit kaunti lang. Kahit 1% lang ganern, happy na ako noon. Hehe.

Basta gusto ko lang na palagi mong/ninyong tandaan na kahit gaano pa man tayo kalungkot at pakiramdam natin ay pinagkakaitan tayo ng tadhana, huwag tayong susuko sa buhay. Maging matatag tayo sa pagharap ng bukas at maging matapang sa araw-araw.

Huwag din nating ilayo ang ating mga sarili sa mga taong nagtatangka na mapalapit sa atin. Hindi natin hawak ang mga mangyayari sa buhay, kaya bakit hindi natin sila subukang patuluyin? Huwag tayong maging duwag na mapalapit muli sa isang tao sa takot na bigla na lang siyang mawala.

Nakakatakot talagang sumugal sa pagkakaibigan lalo na kung hahayaan mo siyang pumasok nang buong-buo sa buhay mo. Naroon 'yong pangamba na baka isang araw malaman mo na lang na sinisira ka na pala niya o unti-unting inuubos. Gayunpaman, huwag sana itong maging dahilan upang maging mapag-isa tayo habang-buhay.

Cheer up! Maganda ang mundo kahit na pinalilibutan ito ng kung anu-anong kasakiman. Hayaan mo lang ang sarili mo na matangay tungo sa kagandahan na papanig sa 'yo.

Muli, maraming salamat sa pagsama sa akin hanggang dito. Hanggang sa muli nating pagsubaybay sa storya ng panibago kong karakter na bibigyang buhay sa "Reconnecting Hearts." #TamangPromoteLangHehe

Maaari niyo siyang tingnan sa profile ko. Epistolary po iyon mga sis. More tingin niyo kung papasa ba sa taste na mayroon kayo.

Link: https://my.w.tt/7RQPeUbZw6

Ang cute na author,
evanessance

Ephemeral Bliss | ✔Where stories live. Discover now