Chapter 5

29 5 0
                                    

CHAPTER 5
Conversation

Hindi na nasundan pa ang dalawang text na iyon sa akin. Iyon nga lang, kamalasan ang nagsunod-sunod na dumating.

Una, wala na akong inabot na maagang biyahe ng sasakyan.

Pangalawa, naipit ako sa traffic.

Pangatlo, nasita ako ng guard dahil wala akong suot na ID. Masyado nang nalipad ang isip ko kanina kaya hindi ko na napansing wala pala akong suot na ID. Malas! Ang damuhong si Kerby ang may kasalanan nito!

Salubong ang kilay ko habang tinatahak ang daan patungo sa silid na pagpupulungan namin. Ang ilan sa nadaraanan ko ay napapaiwas na lang sa dire-diretso kong paglalakad. Ang iba naman ay may mga nagtatakang mukha sa kung paano ako umakto.

I’m always weird in this school. Palibhasa ay anti-social ako kaya walang kaibigan dito. Hindi naman masama ang tingin nila sa akin, sadyang hindi lang talaga nila ako nilalapitan. Hindi rin naman ako lumalapit sa kanila.

“Excuse me,” paunang bati ko nang makatapat sa pinto ng club room.

Lahat ng mga mata ng nasa loob ay napatuon sa akin. Saglit lamang naman iyon dahil nagsi-iwas na rin sila agad.

Lumapit sa akin si Denise, ang aming president, nang may malaking ngiti.

“Good morning, my beautiful secretary!” bati niya na ikinatango ko lang.

Palaging ganito ang pagbati niya sa akin kahit saan kami magkasalubong. She’s friendly, unlike me. Wala naman akong nakikitang masama sa kaniya kaya pinabayaan ko na siya sa minsang pagpi-feeling close niya.

Since ako na lang yata ang hinihintay ay nagsimula na sa meeting. Naupo ako sa table sa unahan na siyang puwesto ko habang nakatayo si Denise at Jea, ang VP, para pasimulan ang pulong.

Ako naman ay inilabas na ang notebook ko para sa pagtatala ng mahahalagang detalye. Mayamaya ay gagawa pa ako ng narrative report kaya magandang detalyado ang lista ko.

“For our today’s meeting mga sis, we’ll talk about the debate that we’ll conduct 3 days from now,” ani Denise. “Madali lang naman ‘tong pag-usapan, for sure ay kering-keri na. Pero for formalities nga ay may pa-meeting churvaness tayo.”

Hindi tulad ng ibang Presidente, impormal si Denise sa tuwing may meeting. Para lang siyang nakikipagdaldalan sa katabi at walang dala na agenda para sa isasagawang pagpupulong.

Sanay na kaming lahat sa ganitong pagsasalita niya. Minsan naman ay nagseseryoso siya. Iyon nga lang ay hindi lalagpas sa bilang ng mga daliri ang ‘minsan’ na iyon.

“Supposedly, we’ll just have a simple program that will talk about language and such. Then later on, each week ay may writing activities. However, we realized that it will be too boring. That’s why we came up with an idea to have a debate,” pagtutuloy ni Jea na seryoso ang mukha.

See? Malaki ang diperensiya nilang dalawa. Si Jea ang pormal at president material. Ayaw niya lang talaga ang ganoong kataas na posisyon. Isa pa, wala raw siyang leadership skills.

Pansin ko rin naman iyon. Kahit ako nga ay wala noon. Pero sigurado naman ako na as time pass by ay made-develop iyon at manu-nurture pa.

Mayamaya ay may kumulbit sa akin kaya napaangat ako ng tingin. Bumungad sa akin ang mukha ni Denise na parang ini-encourage ako na magsalita.

Umiling ako pero mapilit talaga siya. Tuloy ay wala akong choice kundi tumayo at salubungin ang mga tingin nila sa akin. Pinanatili kong blangko ang ekspresyon ng aking mukha.

Ephemeral Bliss | ✔Where stories live. Discover now