Chapter 11

16 3 1
                                    

CHAPTER 11
One night stay

Gustong-gusto ko kapag umuulan, hindi dahil kalimitang nawawalan ng klase kundi dahil nakararamdam ako ng peace of mind dahil dito. Tila musika sa aking pandinig ang madahan patungo sa mabilis na pagpatak ng butil ng ulan sa bubong ng bahay. Parang hinihele ako nito sa isang malalim na pagtulog.

I suddenly remember my little self dancing under the rain. Kahit pa pagalitan ako ni Papa ay hindi ako nagpapatinag dahil sa kagustuhang mas mabasa pa ng ulan. Nang mga panahong iyon ay wala akong ibang gusto kundi ang maglaro at magtampisaw na lamang.

But now, I can’t find the urge to dance again under the rain. I’m afraid to feel that no one will scold me like how Papa used to before. I’m afraid to face the reality that… Papa isn’t here anymore as he’s in a far place now which I can’t reach.

Napailing na lang ako bago inilihis ang paningin mula sa bintana sa sala. Reminiscing old memories will only cost so much time. I must be late for our class.

Isinakbit ko ang aking itim na backpack saka kinuha ang binibitbit kong file case sa center table. Pinatay ko ang TV at hinugot ang saksak nito bago isara ang nakabukas na bintana.

Dala ang itim kong payong ay lumabas ako ng bahay. Hindi pa man nakakailang hakbang ay natigilan ako sa pagbalot ng malamig na hangin sa buong katawan ko. Napakunot na lamang ang noo nang isayaw ng hangin ang nakalugay kong buhok.

Do we still have classes today?

May bagyong paparating pero hindi pa rin kanselado ang klase sa probinsya ng Venille. Hindi pa naman daw signal no. 1 o kung ano man para magkaroon ng kanselasyon. Isa pa, nakatakda na ngayon ang provincial examination day ng lahat ng paaralan kaya hindi raw talaga maaari na mawalan ng pasok.

Every 2 months ay nagkakaroon ng examination ang lahat ng estudyante sa buong probinsya. Isa iyong order na inilabas ng kapitolyo dito sa amin na agad namang inaprubahan ng lahat ng institusyon. Maganda raw iyon para mahasa ang skills ng mga estudyante.

Dahil wala naman akong choice, sinuong ko ang ulan at naglakad paalis patungo sa waiting shed sa may kanto para maghintay ng masasakyan.

Pagdating ko roon ay nadismaya lamang ako nang makita na punuan ang lahat ng sasakyan habang ang waiting shed naman ay halos magsiksikan ang lahat para lamang ‘di mabasa.

Naramdaman ko ang malamig na likidong tumulo sa balat ko. Bahagya na palang nakatihaya ang payong kaya nababasa ako. Nakakainis lang.

Dahil hindi na rin naman ako kasya sa waiting shed ay sa malaking puno ng mangga sa gilid ako tumigil habang namamayong pa rin. Kahit papaano ay humina ang patak ng ulan dito dahil sa mayabong na sanga at makapal na dahon ng puno.

Natalsikan na ng putik ang black shoes ko. Mabuti na lang at walang napunta sa skirt at blouse ko. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang dumi sa sapatos ko dahil paniguradong bago ako makarating sa school ay magdudumi rin naman ito, doon ko na lang pupunasan.

Inabot ako ng kalhating oras bago tuluyang nakasakay sa jeep na sa kabutihang palad ay kakaunti pa lang ang laman. Hindi ko naman inaasahan na hanggang sa makarating kami sa school ay hindi na madadagdagan pa ang sakay, nakakairita lang na kada kantong nadaanan namin ay punong-puno na sa loob.

Ang sikip at pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na dahil sa malilikot na paang inaapakan ako. Pahirapan bago ako nakababa lalo na at umuulan pa rin sa labas. Hindi ko na nagawa pang bukahin ang payong ko nang makababa, sa halip ay tumakbo na lamang ako at sumilong sa may guard house.

“Hindi ka pa late, ‘neng. May 10 minutes pa,” ani Mang Nomer, guard ng school, nang maipakita ko ang aking I.D at maipa-scan ang aking bag.

Tumango lamang ako sa kaniya bago maglakad diretso sa pathway papunta sa building namin. Lalong lumakas ang ulan ngayon kumpara kanina nang umalis ako sa bahay.

Ephemeral Bliss | ✔Where stories live. Discover now