Chapter 9

24 3 0
                                    

CHAPTER 9
Gifts

Magaan ang loob ko habang papasok sa school ngayong araw. Nakalabas na kasi ng ospital sina Ate Chona kaninang madaling araw. Napalagay na akong ligtas si Cherin bagaman nag-aalala pa rin ng bahagya sa kalagayan niya.

Nag-text lang sa akin si Ate para ibalita iyon na agad ko namang mabasa dahil hindi ako makatulog kahit ala-una na. Pagkatanggap ko ng text ay saka lamang ako napaidlip nang mga ilang oras.

Pagkapasok ko pa lang sa gate ng school ay sinalubong na agad ako ni Denise. Mukha na naman siyang natataranta at hindi mapakali.

“Thea, sis, sa club room ka agad dumiretso ha. Marami pa tayong gagawin doon. Nakaka-stress ng beauty ang mga nangyayari. Lunes pa man din ay masusubok na agad ang aking oh-so-ikli na patience.” Nakahawak pa sa noo si Denise na aakalain mong napakalaki talaga ng problema sa buhay.

Tulad ng sinabi niya ay sa club room ako nagtungo pagkababa ko ng gamit ko sa room. Pagkarating ko roon ay bumungad sa akin ang busy kong mga kasamahan na abala sa pagdidikit ng piraso ng tarpapel at ang iba ay sa computer nakatutok.

Natanawan ko si Jea na nasa table sa unahan at abala sa itinitipa niya sa laptop. Lumapit ako sa kaniya dala ang mono block na nadaanan ko saka tahimik na naupo sa tabi niya.

“Hi, Thea! Good morning!” bati niya sa akin habang sa screen pa rin nakatutok ang paningin.

“Morning,” tipid kong tugon.

Pinasadahan ko ng tingin ang ginagawa niya. Schedule pala ng program ito. Naroon kung anong oras magsisimula, ano ang sunod-sunod, at kung sino ang magli-lead sa bawat parte.

“Nakita mo na ba si Denise?”

Lumipat sa kaniya ang tingin ko. “Oo, kanina pagpasok ko.”

Tumango naman siya bago tumigil sa pagtipa at tumingin sa akin nang may seryosong mukha. “Nasabi na ba niya sa ‘yo?”

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. “Ang alin?”

Humalukipkip siya bago sumandal sa upuan saka pinagkatitigan ako. “Junior highs na lang daw ang a-attend sa program mamaya. May darating kasing taga-Agustin High para mag-conduct ng talk sa mga senior high.”

Ngayon na nga pala mag-uumpisa ang iba’t ibang schools sa Venille para mag-libot sa buong probinsya at manghikayat sa mga estudyante na sa kanila pumasok. Hindi nalalayo ang Agustin High sa lokasyon ng paaralan namin, limang kanto lang yata sa pagkakaalala ko ang pagitan.

Pribado itong paaralan na talaga namang kilala sa pagbibigay nito ng de kalidad na edukasyon. Sa katunayan, kabilang ito sa Top 10 Best Performing Schools in the Philippines. Mula elementary hanggang college ay mayroon dito.

Marami ang nangangarap na doon pumasok kahit na may kamahalan ang tuition fee rito. Nagbibigay naman kasi sila ng scholarship para sa mga estudyanteng makakapasa sa 500 item test nila sa evaluation.

Noon ay gusto ko sanang sumubok dito pero naisip kong sa college na lang siguro. Kahit naman outcast ako sa kasalukuyan kong school ay napamahal na rin sa akin ito.

“Tuloy pa rin daw ang program?” tanong ko. Kung magkakaroon kasi ng talk sa senior high ay baka sa gymnasium ito ganapin.

Hindi naman kami makakapagsagawa ng program namin sa iba pang room dahil hindi tulad ng mga private schools ay wala kaming auditorium, social hall o kung anumang espasyo na pwedeng pagdausan ng malakihang pulong.

“Hmm… oo naman. Ano ka ba? Para orientation lang naman iyon kaya hindi kailangang maapektuhan lahat. Sayang ang effort natin kung hindi matutuloy ‘no.”

Ephemeral Bliss | ✔Where stories live. Discover now