Chapter 17

25 2 1
                                    

CHAPTER 17
Fear

Ilang ulit kong pinaypayan ang sarili gamit ang nahagip kong cardboard sa may lamesa. Wala akong tigil sa pagbuntong-hininga habang tinitiis ang init sa loob ng walk in closet ko ngayong naghahanap ako ng pang-alis na damit.

Ang dami kong pwede na pagpiliang isuot pero halos ang limang terno roon ang siyang lagi kong suot. Nakakasawa na. Nakakahiya rin sa makakasama ko ngayon.

Napasimangot na lang ako habang kinukuha ang itim na oversized shirt na may print sa unahan na 'Calm down and breath'. Ipapares ko na lang 'to sa isang maong shorts at sneakers para hindi ako mahirapan sa lakad namin ni Kerby mamaya.

"Babe! Matagal pa ba? Naiinip na 'ko!" sigaw ni Kerby mula sa sala na dinig na dinig ko hanggang dito sa kuwarto.

Pang-ilang tanong na nga niya iyon? Lima?

Kanina niya pa ako kinukulit dahil tatanghaliin na raw kami sa biyahe. Biglaan na naman niya kasi akong niyaya papunta sa kung saan. This time, falls daw ang pupuntahan namin.

Ewan ko kung sa loob pa ba 'yon ng bayan ng Venille o lalabas na. Hindi ko naman kasi alam kung may falls ba rito sa 'min. Outdated ako sa bagay na 'yon.

Hindi sana ako papayag sumama dahil ngayong Linggo na lang ako makapagpapahinga. Pero makulit siya at nakipagtalo pa sa akin.

"Kaya nga kita niyaya papunta roon, para ma-relax ka. Sumama ka na kasi, babe. Sobra ka nang mapanakit tapos KJ pa."

Ang kulit-kulit!

Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili pagkatapos. Dala ang isang maliit na sling bag na naglalaman ng mga importante kong gamit ay tinungo ko ang daan palabas.

Sinigurado ko munang naka-lock ang pinto ng kuwarto ko bago magdire-diretso sa sala. Naabutan kong buhay ang TV at nanonood doon si Kerby. Ang ipinagtataka ko lang nang makalapit ako ay kung bakit wala akong tunog na naririnig mula sa telebisyon.

Sira na ba 'to?

Gumagalaw pa rin naman ang mga tao sa screen at panay ang buka ng bibig na parang nagsasalita. Si Kerby naman ay tutok na tutok sa panonood na parang naiintindihan niya ito.

"Ba't walang sound? Sira?" taka kong tanong.

Nag-angat lang siya ng tingin sa akin bago umiling. "Naka-mute, babe. Naririndi ako eh."

Waring may dumaang anghel dahil sa biglang pagtahimik sa pagitan namin. Tangina. Is he for real?

Mabilis na umangat ang kanang kamay ko para masapok siya. Mahina lang naman pero ikinaigik na niya at napasapo na lamang sa bahaging natamaan ko.

"Aray! Babe, bakit ka ba nananapok? Ang tagal kitang hinintay rito tapos sapok ang ibubungad mo sa 'kin?" reklamo niya na hindi ko pinansin.

Inagaw ko sa kamay niya ang remote at padabog na pinatay ang TV. Wala rin namang kwenta dahil hindi naririnig ang pagsasalita ng mga tao sa screen. Isang tunay rin na walang kwenta ang panonood ni Kerby sa ganoong estado.

Siraulo nga talaga siya. Legit.

Pagbaling ko kay Kerby ay nakatayo na siya habang sapo pa rin ang batok. Nakangiwi siya sa akin at kulang na lang ay sumayad sa sahig ang matinding paghaba ng nguso niya sa akin.

Ephemeral Bliss | ✔Where stories live. Discover now