Chapter 10

19 3 0
                                    

CHAPTER 10
Chance

“Accept my sincere intention, babe. These are for you and your natural curls.”

Bahagyang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin habang hawak pa arin ang iniaabot sa aking bulaklak at chocolate.

Halos lahat yata ng dugo ko ay umakyat na sa mukha dahil ramdam ko ang pag-init noon. Mas bumilis ang tibok ng puso ko sobra-sobra na sa pag-palpitate.

Buong lakas kong hinila ang kamay ko sa kaniya na agad kong napagtagumpayan. Umayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin. Tangina nakakahiya!

“Babe… tanggapin mo na ang gifts ko. Mumurahin pa lang ngayon kasi Day 1, hayaan mo bukas alahas naman,” aniya.

Marahas akong lumingon nang may nanlalaking mata. Is he serious? Anong kalokohan ang pinagsasabi nito?!

Nakanguso na siya sa akin na parang malungkot dahil hindi ko tinanggap ang ibinibigay niya. Akala naman niya ay mukha siyang cute sa panguso-nguso niyang nalalaman. Nagmumukha lang siyang aso na maputi at kulay blue ang mata.

“Kaunti na lang ay makakatikim ka na sa akin,” banta ko sa kaniya nang may matalim na tingnan.

Baliktad sa inaasahan kong reaksyon ay gulat siyang napatitig at bahagyang napaawang ang bibig na parang hindi makapaniwala. Ano namang ikinagugulat niya?

Kumunot lang ang noo ko sa kaniya bago siya inirapan at tumingin na lamang sa unahan.

“B-babe… masyado ka namang mabilis. Come on, friend stage muna. I do courtship nga muna tapos sak—”

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. “Ano bang pinagsasabi mo?!”

Inosente niya akong tiningnan nang medyo nakangiwi. “Ikaw kasi babe eh. Let’s take it slow, okay? Ayoko namang masabihan na nag-take advantage agad ako sa kaniya at talagang magpapatik—”

Magpapatikim? Ako?!

Inis ko siyang nahampas ng folder na nasa lamesa. Inilayo niya agad sa akin ang sarili nang hindi ako tumigil sa paghampas sa kaniya. Gigil na gigil ako dahil sobrang inis na ako sa kalokohan niya.

“A-aww, babe! Tama na,” aniya sa pagitan ng patuloy na pag-iwas at pagsalag sa folder na inihahampas ko.

Saka lang ako tumigil nang mapagod at mangalay sa kahahampas. Matalim ko ulit siyang tiningnan. Lalong nagulo ang buhok niya maging ang uniform niyang ngayon ko lang napansin na bukas ang unang tatlong butones.

Hinihingal din siya na halata sa pagtataas-baba ng kaniyang dibdib. Hindi pa man nakakabawi ay hinampas ko ulit siya sa braso pero sa pagkakataong ito ay hindi na ang folder kundi ang mismong palad ko. Lumagitik iyon at alam kong masakit. But I don’t care dahil inis pa rin ako.

“Babe, tama na ang paghampas sa akin. Masakit siya,” angal niya habang hinihimas ang parteng nahampas ko.

Kita ko namang namula iyon at parang bumakat pa ang palad ko. I felt guilty… a little. Pero hindi ko iyon pinahalata at sa halip ay inirapan lang siya.

Nawala sa kaniya ang atensiyon ko nang biglang magpalakpakan ang lahat. Nagtataka akong tumingin sa unahan at nakita ko rin ang nakangising sina Denise at Jea. Paglingon ko sa pwesto ng mga estudyante ay nakangisi rin ang ilan pero karamihan sa mga babae ay masama ng tingin sa akin.

Bakit lahat sila ay dito nakatingin? Don’t tell me…

“And that’s how a couple fight,” ani Denise na literal na nakapagpalaki sa mata ko.

Ephemeral Bliss | ✔On viuen les histories. Descobreix ara