Chapter 2

67 5 1
                                    

Chapter 2
Grocery store

Hinihingal na napaupo ako sa kama saka napainom ng tubig sa tumbler na nasa side table ko. Isa na namang masamang panaginip pero ‘di gaya ng dati ay mas mukha itong totoo.

In my dream, I was hit by a truck. It felt so real that my heart can’t stop from beating fast.

Mariin akong napapikit habang lumalagok ng tubig. Hanggang ngayon ay klaro pa rin sa isip ko kung paano ako tumilapon sa kung saan at kung gaano kasakit nang humandusay ako.

Anong ibig sabihin nito? May masabi bang mangyayari sa akin?

Bumuntong-hininga ako bago inilapag ang tumbler ko sa may lamesa. Walang mangyayari kung iisipin ko ito nang iisipin, lalo lamang akong matatakot.

Dahan-dahan akong tumayo sa kama, pero napatigil din nang mapansin ang suot ko. Hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang damit ko kahapon. Nakapagtataka naman dahil hindi ko ugaling matulog nang hindi man lang naglilinis ng katawan at nagbibihis ng pantulog. Ganoon na ba ako kapagod?

Naiiling na nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta sa banyo. Makabubuti sigurong maligo ako nang maalis lahat ng iniisip kong 'to. Sasakit lang ang ulo ko dahil wala namang patutunguhan ang lahat. Wala rin naman akong makukuhang sagot sa lahat ng tanong ko.

Isa pa, panaginip lang naman 'yon, hindi ko na dapat pagtuunan pa ng pansin. Mas marami kang dapat bigyan ng atensiyon sa buhay, Thea.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kuwarto at nagtungo sa may kusina. Lagpas alas nuwebe na pala kaya naman pala kumakalam na rin ang sikmura ko.

Pero nadismaya lang ako nang buksan ko ang ref. Wala ni isang pagkain na maaari kong kainin ngayon. Puro tubig lang ang laman ng ref at isang maliit na kahon ng cheese.

“Malas." Napabuga ako ng hangin bago pabagsak na isinara ang ref.

Tanginang buhay 'to. Una, 'yong nakakasakit ng ulo na panaginip tapos ngayon ito namang pagkain. Stress na yata ang ikamamatay ko.

Labag man sa loob, wala akong iba pang pagpipilian kundi bumili kahit cup noodles man lang sa tindahan sa labas. Nagsuot lang ako ng sumbrero at nagdala ng perang pambili bago magtungo roon.

“Ikaw nga si Thea, ineng ano?”

Nagtataka akong nag-angat ng tingin sa tindera. Masuyo siyang nakangiti sa akin habang patuloy sa pagkapa sa patasan ng kaniyang paninda.

Bagaman hindi pa rin ako mapalagay kung paano niya ako nakilala gayong hindi ako madalas bumili rito ay dahan-dahan akong napatango.

“Ang tagal na mula nang bumili ka rito ah,” aniya pa.

Lihim akong napasang-ayon sa kaniya. Kung iisiping mabuti, siguro mga dalawang buwan na iyon. Nagkataong ubos na rin ang stocks ko ng pagkain nokn kaya napilitan akong lumabas.

Nang maiabot ko na ang bayad at makuha ang binibili ko ay dali-dali na akong umalis at umuwi. Mahirap na at baka maabutan pa ako ng mga tao roon, paniguradong sangkatutak na puna lang ang abutin ko.

Nang makauwi ay agad kong inayos ang noodles at prenteng naupo para sa pagkain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang alalahaning muli ang napanaginipan ko. Nakakatakot. Akala ko talaga ay totoo na dahil grabe ang kaba ko.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha mula sa patungan ng TV saka sinagot ang tawag. Si Ate Chona pala.

“Yes, ate?”

“Kamusta na, Thea? Kumain ka na ba ng agahan?”

Napangiti na lang ako sa tanong ni Ate Chona. Hindi niya nakakalimutang kamustahin ako lalo na kung kumain ako. Nagagalit kasi siya tuwing nalilipasan ako ng gutom.

Ephemeral Bliss | ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt